JM, pinalitan sa ‘Septic Tank’

WALEY: Nagsimula nang mag-shoot si Eugene Domingo pagkatapos ng dalawang taon ng pananahimik sa pelikula.

Ang huli pa niya ay ang Barber’s Tales at pagkatapos nu’n, nag-concentrate muna siya sa telebisyon.

Ngayon, ginagawa na nila ang sequel ng kanilang highly successful Cinemalaya movie na Ang Babae Sa Septic Tank still from the script of Chris Martinez and the direction of Marlon Rivera.

Aside from the afam na katakamtakam na bagong object of affection ni Uge sa Septic Tank Part 2, kita sa pictorial na kasama pa rin ang original cast members na sina Kean Cipriano at Cai Cortez.

Pero nasaan si JM de Guzman?

Nakaka-miss siya. Totoo bang pinalitan na siya ni Khalil Ramos na may pictorial na topless?

***

HAVEY: Sa kabila ng pag-ulan, naganap kagabi ang pinaka-star studded na gala premiere aa Ci­nemalaya 2016 — sa pelikula ng young Superstar, na si Miss Judy Ann Santos-Agoncillo.

Nagsama-sama ang showbiz, politika, culinary arts, mga estudyante at loyal fans ng sinasabi nilang the last of the mo­vie queens na si Juday sa gala ng Kusina.

Masaya ang reunion ng dating mga co-best actresses ni Juday na sina Agot Isidro at Iza Calzado sa Mga Mumunting Lihim. Nasa premiere din ang mga malapit niyang kaibigang sina Gladys Reyes at Jolina Magda­ngal.

Isa rin sa nag-confirm kay Juday, ang anak ng Megastar na si KC Concepcion. Nagpasabi rin si Paulo Avelino na pupunta siya bilang suporta sa kaibigan niyang si Joem Bascon.
Kasama naman ni Luis Alandy ang kanyang ever supportive wife-to-be na si Joselle Fernandez na aligaga na sa paghahanda para sa kanilang kasal.

“Overwhelmed! Kinakabahan at parang nasusuka!” sabi ni Juday nang makausap namin ilang oras bago ang premiere.

Grabe kasing risk ang tinanggap niya nang gawin ang pelikulang Kusina.
Kesehodang malaki si Juday sa screen, hindi ito nakagambala sa pagka-appreciate ng mga tao sa kanyang pagiging aktres.

Dahil sa pelikulang ito, ipinakita ni Juday na isa siyang tunay na committed artist!