Naging matagumpay, mapayapa at maayos ang katatapos na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong ­July 24, 2017 sa Batasang Pambansa.

Ito ay dahil walang nangyaring girian o komprontasyon at wala ring nangyaring pag-aresto.

Kaya naman kudos at saludo kami sa tagumpay na ito ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar na nagsilbing ground commander ng Task Group Quezon City sa ilalim ng SONA Security Task Force Kapayapaan na pinamumunuan naman ni National Capital Region ­Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

Gayundin siyempre sa buong miyembro ng QCPD na matiyagang nagbantay hindi lamang sa hanay ng mga raliyista kundi sa kabuuan ng latag ng seguridad para tiyakin ang mapayapang SONA.

Ibang level ng pagbabantay ang pinagdaanan ng ating kapulisan sa nakaraang SONA dahil bukod sa mga grupong nagpoprotesta laban sa administrasyon ay may puwersa rin na bumuhos sa kalsada para magpakita ng suporta kay Pangulong Duterte.

Ibig sabihin, dalawang hanay ito ng mga raliyista na may magkaibang paniniwala pero nagawang matu­tukan ng kapulisan kaya naiwasan ang pagsiklab ng komprontasyon sa pagitan ng dalawang grupo.

Matinding hamon din ang ginawang paglutang mismo ni Pangulong Duterte sa labas ng Batasan at pag-­akyat sa entablado ng mga raliyista para sila ay kausapin.

Naging tensyonado ang senaryo pero nanatiling maayos ang sitwasyon.

Pero hindi basta-basta ang preparasyon sa SONA ng QCPD dahil alam n’yo bang hindi naging madali ang pagtiyak ng kaayusan dahil isa’t kalahating ­buwan itong pinagplanuhan.

Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, may inilatag na Plan A at Plan B ang QCPD sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

Nakatulong din ng malaki ang malimit na pakikipag-­ugnayan at pakikipagdayalogo ng QCPD sa mga pinuno ng mga militanteng grupo kaya naman hindi na ­nakakapagtaka na nakuha ni General Eleazar ang kanilang tiwala dahil pinayagan silang mag-rally kahit­ malapit sa Batasan, pero sa kundisyong hindi sila manggugulo.

Sa pagtaya ni General Eleazar, umabot sa 11,000 ang bilang ng mga demonstrador na tumutuligsa sa ­administrasyon, habang nasa 6,000 ang mga taga­suporta ng Pangulo ang dumagsa malapit sa Batasan.

Nais din nating ipaabot ang ating pasasalamat sa 6,000 anim na myembro ng QCPD, pati na sa iba pang police unit ng NCRPO at CALABARZON Police ­Regional Office, PNP National Support Units, mga ipinadalang contingent ng Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, QC Department of Public Order and Safety, Bureau of Fire Protection, mga opisyal sa barangay at lahat ng mga ahensya na nakiisa para sa pagpapatupad ng seguridad sa SONA.

Malaking bagay din umano ang paggabay ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa para matiyak ang seguridad sa nasabing pagtitipon.

“I am very proud of them,” ang maikli ngunit taos-puso at makahulugang pasasalamat ni General Eleazar.

Muli, kudos General Eleazar at sa buong QCPD!

One Response

  1. sa pahanon lng ng duterte admin ang ganitong pangyayari dati tenitergas ang mga ralyista at binubumba ng tubig ng fire truck para hindi mklapit sa batasan complex.