Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang ama ng tahanan nang magbaril ito sa sarili matapos magkaroon ng depression nang siya ay tanggalin sa trabaho kahapon nang umaga sa Las Piñas City.
Sanhi ng tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .38 ay ginagamot sa Perpetual Medical Hospital ang biktimang si Kenneth, ng Barangay Pamplona 3, Las Piñas.
Sa report na natanggap ng Southern Police District, naganap ang insidente dakong alas-siyete nang umaga sa labas ng bahay ng biktima.
Ayon sa anak na lalaki ng biktima, hindi na nagpabanggit ng pangalan, habang siya ay nasa loob ng kanyang kuwarto ay bigla siyang nakarinig ng putok ng baril.
Kaagad niya itong inalam hanggang sa tumambad ang duguang ama na nakahandusay sa semento.
Napag-alaman ng pulisya sa kaanak ng biktima na nagbaril umano sa sarili ang biktima dahil dumadanas ito ng matinding depression matapos itong tanggalin sa trabaho. (Armida Rico)