Historically, most exploited at subject to abuse ang low-skilled sector ng hanay ng overseas Filipino workers (OFWs). Lalo na iyong undocumented workers na hindi dumaan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang working documents.
Karaniwang matatagpuan sila sa household service sector bilang maid, houseboy, nanny, gardener, seamstress etc. Sila iyong madalas mabiktima ng contract substitution o outright na violation sa kontrata. Ang pagbalewala o pagpapalit ng pinirmahang kontrata ay karaniwang ginagawa upang mapalusutan ang minimum mandated monthly salary na itinakda ng POEA — US$400.
Kasabwat
Karaniwang kasabwat sa contract substitution ang ilang placement agencies na lisensiyado man ng POEA ay parang illegal recruiters kung mag-operate sa paghingi ng mataas na placement fee at kung anu-ano pang bayarin.
Karaniwan sa airport pa lang sa point of departure ay pinapapirma na ng tauhan ng placement agency ang kapalit na kontrata kung saan mas mababa sa US$400 ang nakalagay na sahod.
Pag-alis ng tauhan ng agency ay tangay-tangay na nito ang orihinal na POEA-approved contract. Karaniwang hindi na makapalag ang ni-recruit sa modus na contract substitution dahil wala naman sa kanila ang may gusto na hindi matuloy ang biyahe.
Ideal scenario
Sa pagsalubong kamakailan ni Pangulong Duterte sa ilang repatriated OFWs mula sa Saudi Arabia, sinabi niya na ang ideal scenario ay ang pagkakaroon ng sapat na patrabaho sa Pilipinas.
This way, hindi na kailangan pa na mangibang-bansa ang marami sa ating mga kababayan upang magkaroon lang ng ikabubuhay. Truth be told, wala namang may gusto na mawalay sa pamilya kung may magandang trabaho sa Pilipinas.
Whether highly skilled o semi-skilled, ang pinakamagandang pwedeng mangyari sa ating workers ay ang ma-absorb sila ng Philippine-based companies, whether locally o foreign owned.
More Training
Para naman sa unskilled o lowly skilled workers, binigyan ng emphasis ng Pangulo na dapat na mabigyan sila ng sapat na skills training o training sa pagnenegosyo.
Sa una papasok ang pinalakas na skills training programs ng TESDA at sa ikalawa naman magiging bentahe ang pagsasanib-puwersa ng Department of Trade and Industry (DTI) at OWWA sa pagbibigay-suporta (training at financially) sa mga ex-OFWs na nagnanais magnegosyo.
Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, tawag na sa 551-5163 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com. To those who can enjoy the long weekend, have fun!