Jodi at Jolo, kinantiyawan ni Jinggoy na pakasal na

BALIK ang tamis-tamisan moments ng mag-sweetheart na Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla after nilang mag-break for the nth time recently.

Dumalo si Jodi at nag-stay nang matagal sa 50th birthday celebration kama­kailan ni Senator Bong Revilla sa Camp Crame.

Nag-duet number pa sina Jodi-Jolo para sa birthday celebrator, na ever since ay boto sa kanilang dalawa.

Umupo sa may tabi namin si Jodi at binati namin siya tungkol sa trip nila kamakailan ni Jolo sa Morocco, na gandang-ganda kami sa mga nakita naming pics na puwedeng mapagkamalang pre-nup shoot.

Ang ganda raw ng Morocco, sabi ni Jodi. Kaya lang ay sobrang init nu’ng magpunta sila roon.

Nag-Amanpulo rin recently ang ­magkasintahan, na may kuhang sabay silang nagpa-planking sa ­powdery white sand ng nasabing isla.

Minsan ay sabay na tumatakbo at nagdyi-gym ang dalawa, na sabi namin kay Jolo ay dapat mas dagdagan pa niya para pumayat pa siya dahil ­napaka-slim ng kanyang girlfie.

Naaliw kami nang tumabi sa amin nina ­Jodi-Jolo si Sen. Jinggoy Estrada, na panay ang kantiyaw sa dalawa kung kailan sila magpapakasal.

“Magpakasal na kayo! Ano bang hinihintay n’yo? Hindi na kayo mga bata. Ang tatanda n’yo na! Magpa­kasal na kayo!” pambubuska ng ­bespren ni Sen. Bong sa dalawa.

Panay lang ang tawa ni Jolo sa pangungulit ng kanyang Tito ­Jinggoy.

As usual ay smile lang ang very demure na si Jodi, na ang alam namin ay may mga inaayos pang legalities pagdating sa bagay na ‘yon.

Kung si Jolo ang tatanungin ay noon pa niya gustong pakasalan ang ­Kapamilya actress, kaya lang ay may mga kailangan pang ayusin dahil hindi rin basta-basta ‘yon.

Sa tagal na ng relasyon ng dalawa at sa daming beses na nilang naghiwalay at nagkabalikan, feeling namin ay sila na ­talaga ang para sa isa’t isa.

Ang sweet nu’ng social media post ni Jolo na, “I’m so proud of you, love!” para kay Jodi, na nominadong Best ­Actress (sa pagganap nito bilang Amor Powers sa ­remake ng Pangako Sa ‘Yo) sa 2016 ­International Emmy Awards.

Tila sunud-sunod ang suwerte ni Jodi, na kailan lang ay naging 2nd celebrity ­winner ng P1M sa game show ni Luis Manzano na Minute to Win It: Last Man Standing.

Kabi-kabila ang mga Pinoy na nagwa­wagi ng international awards.

Sana ay madagdag sa listahan si Jodi at mangabog ang powers niya sa ­International Emmys sa New York sa Nobyembre.