MARAMI ang nagdu­dudang baka gimmick lang itong break-up nina Jodi Sta. Maria at Jolo ­Revilla.

Napag-usapan kasi ‘yan noong nagpu-promote si Jodi ng pelikulang Achy Breaky Hearts nila nina Richard Yap at Ian Veneracion.

Ngayong tapos na ang showing ng pelikula, napapadalas na ang pagki­kita nila at may posibleng pagbabalikan.

Isang kaibigang nag-forward sa amin ng litrato ng grupo ng couples sa isang reunion na kung saan kasama roon sina Jolo at Jodi.

Parang reunion iyun ng grade school friends ni Jolo.

Karamihan sa mga dumalo ay kasama ang asawa nila, ‘yung iba naman eh ang girlfriend nila.
Kaya nagtanong sa amin ang kaibigan namin kung nagkabalikan na ba sina Jolo at Jodi dahil napasama sila roon sa litrato ng mga couples.

Natawa si Jolo nang tinanong namin siya tungkol diyan.

Mga kaibigan nga raw niya at ang karamihan ay mga classmates niya sa grade school ang naka-dinner nila kung saan isinama niya si Jodi.

Maaring nagkataon lang daw dahil hindi siya aware na couples pala ang kasama nila sa litrato.

Madalas silang nagkikita, pero tiniyak sa amin ni Jolo na hindi pa sila nagkabalikan ni Jodi.
Ayaw lang niyang sabihin sa amin kung winu-workout ba niya ang pagbabalikan.

Natawa na lang si Jolo nang hiningan namin ng reaksyon sa duda ng karamihan na gimmick lang itong break-up, tapos ang ending eh magkabalikan din.

Nakita raw namin kung gaano siya kalungkot noong nag-break sila. Kaya huwag na lang daw pansinin.