Jodi, Bela matindi ang banggaan

tonite-this-is-it-roldan-castroKatotohanan ang hahanapin ngunit paulit-ulit na itatago sa pinakabagong Kapamilya primetime crime-drama series na “Sino Ang Maysala?

Mea Culpa” tampok ang laban ng dalawang ina para sa pagmamahal at hustisya na magsisimula na ngayong Lunes (Abril 29).

Matutunghayan sa serye ang pagbabalik-primetime ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria bilang si Fina, isang simpleng magsasakang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya at buong tapang na hahanapin ang nawawala niyang anak.

Makakabangga naman niya si Bela Padilla, na gaganap bilang isang abogado, kasama sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi at Ketchup Eusebio.

Magsisimula ang bangungot sa kanilang mga buhay nang mag-road trip ang magkakaibigang sina Juris (Bela), Andrei (Tony), Gaylord (Sandino), Greco (Kit), Lolita (Ivana) at Bogs (Ketchup) sa Baguio upang i-celebrate ang pagpasa nila sa bar.

May laban ba si Fina (Jodi) sa pagkuha ng katarungan laban sa mga bigatin at makapangyarihang abogado? Makukuha pa kaya niya ang kanyang anak? Hanggang kailan babaliin at ikukubli ng magkakaibigan ang katotohanan?

Kasama rin sa cast ng “Sino Ang Maysala? Mea Culpa” ang mga batikang aktor na sina Agot Isidro, Janice de Belen, Ayen Munji-Laurel, Jay Manalo, Allan Paule at Boboy Garovillo. Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at idinirek nina Andoy Ranay at Dan Villegas.

Subaybayan ang bagong Kapamilya seryeng “Sino Ang Maysala? Mea Culpa” simula ngayong Lunes (Abril 29) sa ABS-CBN.
***

Janjep rarampa ng baklavawalk sa Mr. Gay World 2019

Kinatawan ng Pilipinas si Janjep Carlos sa Mr. Gay World 2019 sa May 4 in Cape Town, South Africa.

Ayon sa National Director ng Mr. Gay World Philippines na si Wilbert Tolentino:

“After the observance of Holy Week spent on spiritual nourishment and physical re-charging,it’s time to rally for our kababayan – Mr. Gay World Philippines 2019 Janjep Carlos as he embarks on his journey to becoming Mr. Gay World 2019!

“Janjep is currently 2nd place trailing behind Mr. Hungary for the Social Media Award. I believe as the world’s No.1 pageant fans, We Pinoys can make Janjep no.1! We need your support, Let’s go Bayanihan, sama-sama tayong lahat na paulanin ng comments, views and likes Janjep’s video.

“Samahan natin si Janjep as he claims the 2nd Mr. Gay World crown for the Philippines. As he leaves for Cape Town, South Africa on April 27, baon nya ang ating mga panalangin, pagmamahal at matinding suporta! Ipakita natin ang ating pagkakaisa, let’s show the whole wide world that we are unbeatable! Mabuhay ka Janjep Carlos, Mabuhay ang Pilipinas!”

Sey naman ni Janjep, “Hi guys, il be needing your much love and support soon once the online voting is on as i represent our country The Philippines, in the much awaited Mr. Gay World 2019 to be held in South Africa on May 4. Il be doing my best to bring home the crown, with your support, we can do this … I wanna thank our National Director Wilbert Tolentino for his full support on my journey.

“Thanks to Kagandahang Flores Camp headed by Tito Gio Lazaro Flores and Direk Rodin Gilbert B.flores for my pageant training.”

Abangan ang kanyang pagrampa na tinawag niyang baklavawalk sa Mr. Gay World 2019.
Talbog, Mami Gen!