Jodi ‘BFF’ na ang trato kay Iwa

Iwa Moto at Jodi Sta. Maria

SIGURADONG ikakatuwa ni Iwa Moto ang statement ni Jodi Sta. Maria na kung saan ay tinawag siyang ‘friend’ nito. Hindi nagdalawang isip si Jodi na magbigay ng comment tungkol sa kanila ni Iwa sa presscon ng bago niyang serye, ang Sana Dalawa Ang Puso, kasama sina Richard­ Yap at Robin Padilla.

Parang tubig na tuloy-tuloy na naglahad ng kanyang nararamdamang kasiyahan si Jodi sa magandang samahan nila ni Iwa. Pinuri ni Jodi si Iwa sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang anak na si Thirdy.

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa ex-husband nyang si Pampi Lacson, na ngayon ay live-in partner ni Iwa.

Nagpapasalamat si Jodi dahil itinuturing ni Iwa na anak si Thirdy, kaya panatag ang loob ng aktres sa tuwing kasama ng anak niya si Iwa.

Base sa kuwento ni Jodi, nagsimula ang maganda nilang relasyon ni Iwa nung batiin niya ito at kumustahin sa panganganak nito noon. Mula raw noon ay nagtuloy-tuloy na ang kanilang communication.

At ngayon nga, ‘BFF’ ang turing ni Jodi kay Iwa. Masaya sila pag magkasama.

Robin  feeling  starlet sa harap nina Jodi-Richard

NAGPAKA-HUMBLE muli si Robin Padilla kina Jodi at Richard nung purihin niya ang dalawa at ibi­nidang pinapanood niya noon ang serye ng dalawa, ang Please Be Careful…

Kulang na lang ay latagan ni Robin ng red-carpet sina Jodi at Richard­ sa labis na paghanga nito sa dalawa, na parang hindi siya malaking artista at itinuturing na icon ng local entertainment industry.

Kung tutuusin mas malaking artista si Ro­bin kumpara kina Jodi at Richard pero nagmistulang fan ang una sa mga papuri nito sa tandem nila sa show at husay ng acting ng dalawa sa kanilang nagwakas ng serye.