Jodi binati ang dating dyowa: ‘Ang tanda mo na’

NI:VINIA VIVAR

Maayos na maayos na talaga ang relasyon ngayon nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto .

Hindi naman kaila sa lahat na si Jodi ang estranged wife ni Pampi habang si Iwa naman ang current girlfriend nito although lagi namang sinasabi ni Iwa noon pa na hiwalay na ang mag-asawa nang pumasok siya sa buhay ni Pampi.

Pero totoo nga ang kasabihang “time heals all wounds” dahil mukhang friends na ang dalawang girls.

Nag-post ng birthday message si Iwa para kay Pampi last Friday at nakakatuwang sumagot sa comments section si Jodi.

“Happiest birthday to the man of my dreams… May 29 is the best day ever!!! Because God decided to make you. Mahal I will be forever grateful for having you in my life. I will love you for the rest of my life… you are my everything mahal and i will stay by your side through thick and thin… you are the love of my life..i love you to the moon and back!!!!!” ang birthday message ni Iwa kay Pampi.

Sumagot si Jodi at binati rin ang ex. “Happy Birthday Pampi! Ang tanda mo na. May God grant you the desires of your heart,” komento ng aktres.

Sumagot din si Iwa at inimbitahan pa si Jodi. “Bwahahha. Natawa ako sa ang tanda mo na. Lol. Tara!!! Punta ka dto bahay. Magluluto ako konti,” aniya.

Natuwa naman ang mga netizen sa biruan/sagutan ng dalawang aktres.

“Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa tuwa kapag nakikita ko kayong 3, my God!! Sobrang proud ako sa inyong tatlo, especially kay @jodistamaria, Good Job din kay @iam_iwa God bless you all!” komento ng isang netizen.

For the record Iwa and Pampi have a daughter named Mimi habang sina Pampi at Jodi naman ay may isa ring anak na lalaki naman na si Thirdy. Sa pagdaraan ng panahon ay naging maayos na ang lahat sa kanila at paminsan-minsan nga ay nagba-bonding pa silang tatlo with their kids.