Jodi ‘di bitter sa bagong dyowa ni Jolo

tonite-imo-vinia-vivar

Halatang ayaw pag-usapan ni Jodi Sta. Maria ang ex-boyfriend niyang si Jolo Revilla kaya hindi na rin naman ito tinanong sa kanya sa presscon ng horror flick niyang “Second Coming” ng Reality Entertainment na ginanap last Thursday.

Kilala na rin naman ng press si Jodi na very private at hindi talaga masalita pagdating sa kanyang lovelife kaya more or less ay alam na rin naming hindi talaga niya ie-entertain ang mga question about Jolo.

Anyway, mukhang naka-move on na rin naman si Jodi dahil happy and positive naman ang aura niya. Natanong nga kung may time pa ba siya for love (again) sa kabila ng pagkaabala niya sa pag-aaral at sa kanyang career at sinagot naman ito ng aktres.

“I am happy,” deklara niya. “I am happy where I am right now. I am content with the lot the Lord has given me. So, wala ako sa posisyon to grumble or even complain, but I’m just really thankful,” dagdag niya.

Aminado naman si Jodi na hindi talaga madaling pagsabayin ang pag-aaral (she’s ta­king up Psychology) ang pag-aaral, pag-aartista at pagiging mother kay Thirdy (anak nila ni Pampi Lacson), pero happy naman siya na na-achieve niya ito.

“Natutuwa ako na kahit paano na kung baga, napapagtagumpayan naman, and sabi ko nga, parang with everything talaga na nangyayari rin sa life ko, parang hindi ko pwedeng sabihin na nagawa ko ‘yun out of my own strength or parang my own works, pero sabi ko talaga, hindi rin talaga ako iniwan ni God sa lahat ng ‘to. He was always with me,” she said.

At this point ay natanong nga kay Jodi kung paano rin niya na-achieve na okay na rin ang lahat sa pagitan nila ni Pampi at ng karelasyon nitong si Iwa Moto pati na ang kanilang anak.

“I think, what I would say is, it’s actually a process, hindi rin siya naging madali, pero ang masasabi ko, naging posible,” pahayag ng aktres.

Samantala, ang pelikulang “Second Coming” ang pagbabalik ni Jodi sa horror dahil taong 2014 pa nang huli siyang manakot via the movie “Maria Leonora Theresa.” Reunion din nila ito ni Marvin Agustin na nakasama niya before sa Tabing Ilog teleserye pa.

Directed by Jet Leyco, showing na sa mga sinehan ang “Second Co­ming” on Feb. 27.
***

Paolo wala nang komunikasyon sa mga anak kay Lian

Na-miss ni Paolo Contis ang pag-aalaga ng baby kaya naman hands on din siya sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer Ayanna at tumutulong din sa pag-aalaga.

Malaki na rin kasi ang dalawang anak niya sa ex-wife na si Lian Paz at aminado naman ang aktor na hindi na rin niya nakikita ang mga ito since may sarili nang buhay ang dating asawa.

Ani Pao nang makausap namin siya sa presscon ng “Hiram na Anak” ay sobrang saya niya na isa na naman siyang ama at sila nga lang daw ni LJ ang nakakahawak sa bata’t wala itong yaya.

Biniro nga si Paolo na hindi raw niya ginawa ang pag-aalaga sa mga anak nila ni Lian at itinanggi ito ng aktor.

“Ginawa ko ‘yun. Eversince naman, hands on ako sa lahat. May mga bagay lang na hindi natapos nang maganda. Na aayusin natin. Inaa­yos pa. May mga bagay na kailangang ayusin,” he said.

When asked kung alam ng dalawang anak nila ni Lian na may bago na silang kapatid, ani Pao ay wala nga siyang communication with her daughters.

“So, everything is being handled legally, that’s why I cannot comment any further. I’m sure they know, I’m sure they found out already.

“It would be good, it would be nice if I could talk to them eventually about it. Pero lahat ‘yan may process. I respect the process, I respect the other side, I respect them. That’s why dumadaan ako sa proseso,” pahayag ng aktor.

Samantala, ginagampanan ni Paolo ang role na Benjo sa “Hiram na Anak” at take note, dalawa ang leading ladies niya – sina Empress Schuck at Lauren Young.

Pero sobrang sama raw ng karakter niya rito at every week nga raw ay iba-ibang kasamaan ang ginagawa niya.
Magsisimula na ngayong Feb. 25 ang “Hiram na Anak” at kasama rin dito sina Yasmien Kurdi and Dion Ignacio.