jodi-sta-maria-012ANG ganda ni Jodi Sta. Maria sa Mark Bumgarner white gown na suot niya sa 44th International Emmy Awards kamaka­lawa sa Hilton New York Hotel.

Isa si Jodi sa nominado sa kategoryang Best Performance by an Actress kung saan nakalaban pa niya roon si Judi Dench.

Pero ang German actress na si Christiane Paul ang nagwagi.

Feeling winner pa rin ang Kapamilya actress dahil sa memorable experience niyang nakadalo sa naturang international­ award-giving body at nabigyan siya ng importansya kagaya ng iba pang Hollywood at ­international actress.

Pagkatapos ng event ay ipinost ni Jodi sa Instagram ang pasasalamat sa lahat na tumulong at nagdasal para sa kanya.

Ani Jodi sa IG, “Thank you sooo much for praying and cheering for me! Attending and being nominated at the 44th International Emmy Awards is a memo­rable ­experience.

“Making new friends, sharing­ a glimpse of the Fi­lipino hospitality to my fellow nominees, proudly­ speaking about the beauty of the Philippines­ and representing the country­ to 15 nations made it more meaningful and special.

“I believe we are ready for the global scene. The international stage is opening up and there are opportunities to showcase our talents worldwide…”

Pinasalamatan ni Jodi ang kanyang team na nagpaganda at nag-ayos sa kanya, pati ang mga taong naging bahagi ng kanyang career.

Dagdag niyang paha­yag; “When God gives us talents and puts a dream in our hearts, it’s for a good purpose.

“And it’s up to us to have courage to pursue, fight, believe, and fulfill that dream. To God be the glory!”

Ang isa sa pinakatuwang-tuwa siyempre eh si Vice Governor Jolo Revilla.

Kinumusta namin kahapon at ikinuwento ­niyang nagkausap sila ni Jodi.

Sinabihan niya kung gaano siya ka-proud kay Jodi.

“Basta sinabi ko lang sa kanya kung gaano ako kasaya para sa kanya,” pakli ni Jolo.

“Sabi ko sa kanya, hindi ka man nanalo sa Emmy’s, panalo ka naman sa amin. Marami­ kang napasaya lalo na ako,” tila kinikilig pang kuwento sa amin ng Vice Governor ng Cavite.

Ang pagkakaalam namin, bukas na ang dating ni Jodi mula Amerika.

***

Inamin ni Mother Lily Monteverde na umiyak siya at hindi siya naka­tulog pagkatapos niyang maligwak sa Metro Manila Film Festival 2016.

Proud na proud ang Regal matriarch sa entry niyang Mano Po 7: ­Chinoy kaya ito lang ang isinumite niya at isinan­tabi na muna niya ang iba pa sana niyang pelikula kagaya ng Mighty Yaya ni Ai Ai de las Alas at ang Puwera Usog.

“Umiyak ako talaga.­ Hindi ako nakatulog. Kasi I don’t understand why. Pero okay na rin.

“It’s time for them to see if it’s going to be that way. Let’s see.

“Let’s give them a try. Siguro naman, kung ­hindi naman ganu’n ka-successful, baka babaguhin­ naman nila,” napapangi­ting pahayag ni Mother Lily nang nakausap namin sa presscon ng pelikula niyang Mano Po 7 na magsu-showing na sa December 14.

Hindi raw masama ang loob niya sa bagong bumubuo ng MMFF. Alam niyang para ito sa ating movie industry.

“I don’t think they have a bad intention. Meron naman silang magandang intensyon which they have to have the proper audience.

“Iba naman ang set-up ng indie, iba naman ang set-up ng mainstream especially for Christmas,” dagdag pa niyang pahayag.

Masaya si Mother Lily pagkatapos niyang ipinalabas ang trailer ng Mano Po 7: Chinoy dahil positibo ang feedback.

Sana, maganda ang kalalabasan ng pelikula­ dahil maganda ang track record ni direk Ian ­Lorenos na may gawa ng mga award-winning ­indie films.