Jodi ginupitan ang driver

Natutong gumupit ng buhok ang mga artista habang sarado pa ang mga salon at barber shop. Ito’y dahil sa COVID-19 lockdown.

Naging hairdresser si Jodi Sta. Maria ng kanyang drayber na si Joey.

Nag-post ang aktres ng larawan na nakasuot si Joey ng trash bag pansalo ng mga ginupit na buhok. Hawak naman ni Jodi ang suklay at clippers.

“As part of our #newnormal, ako ang naatasang maging hairdresser sa bahay. My first victim…our ever loyal driver, Joey,” caption ni Sta. Maria sa Instagram.

“Mukhang happy naman siya,” aniya pa. ( Riley Cea).

Jodi Sta. Maria naging barbero