Jodi imbudo sa mga manyak

Hindi kinaya ni Jodi Sta. Maria ang binahaging Facebook page ni Senadora Risa Hontiveros na para sa mga pedophile o ‘yung mga mahihilig sa mga bata.

“Kilabutan naman kayo. Sa more than 19k na nag-like sa page na ito..mahiya kayo sa balat ninyo. At sa nagbabalak sumali, magisip-isip kayo,” giit ng aktres.

Sa Facebook page na ‘Mahilig sa bata’, talamak ang sexual exploitation kung saan mga musmos ang ginagamit para makapang-engganyo.

Nanawagan si Jodi na i-report ang nasabing page at sana’y mahuli ang may pakana nito.

“Pinagsasamantalahan ang kamusmusan at kahirapan. Please help report this page. At sana mahuli kung sino ang nasa likod nito.” (RP)