JODI, ‘NA-ANO’ SA ABS NI JOSEPH

Jodi Sta. Maria

BLESSING at privilege kung ituring ni Jodi Sta. Maria ang ­makatrabaho pareho ang older and younger generation of actors.

Parehong may edad sa kanya ang mga naka­pareha niya sa ­teleserye at pelikula na sina Richard Yap at Ian ­Veneracion.

Ngayon sa bagong pelikula ng Star ­Cinema na Dear Other Self ay dalawang mas bata sa kanya ang katambal niya, sina Xian Lim at Joseph Marco.

Ang sabi sa amin ni Jodi, hindi niya kino-consider na mga bata sina Xian at Joseph.

Sa edad ay mas bata ang mga ito sa kanya, pero ang level of maturity ng dalawa ay hindi nalalayo sa kanya.

So, hindi niya kaila­ngang um-adjust sa mga ito dahil ang totoo ay pinadali ng dalawa ang trabaho niya dahil parehong professional ang mga ito.

Natuwa siya sa attitude ni Joseph na first time niyang nakatrabaho dahil seryoso ito, dumarating sa set nang prepared at inaaral ang mga eksena.

Ngayon lang din niya nakatrabaho si Xian, na pinuri niya ang child-like qualities dahil lagi itong in awe of the things he sees, enjoys his life at ang bawat moment.

Hindi raw childish si Xian kundi child-like. May sense of awe and enchantment sa mga bagay na ginagawa nito.

Xian Lim
Xian Lim

Sa Thailand pa sila nag-shoot ni Xian ng mga eksena nila sa Dear Other Self.

May mga eksenang kinunan sa floating market sa Bangkok, may scenes sa Ayutthaya at may masayang expe­r­ience sila nu’ng magpaligo sila ng elepante.

May eksena rin bang pinaliguan niya si Xian?

“Wala,” natatawa na nahihiyang sagot sa amin ni Jodi.

Ang ‘Abs King’ na si Joseph ay may eksenang nakatapis lang ng tuwalya at lantad ang abs nito.

IN AWE rin ba si Jods sa pa-abs ni Joseph?

“Si Becky (ang in awe). Napanganga!” natatawang sagot ng Kapamilya actress.

‘Pag ganu’n na nasa harapan niya ang mga pa-pandesal ng leading man niya, kamusta ‘yon?

“Wala namang malis­ya. May mga bagay na kailangan mo lang gawin para sa eksena,” pakli ng always prim & proper na si Jodi.

Pero na-appreciate niya ba ang mga pandesal ni Joseph?

“Hindi ko na-appreciate ‘yung pandesal (ni Joseph). Ang na-appreciate ko sa kanya, eh ‘yung process kung paano niya nakuha ‘yung pandesal.

Joseph Marco
Joseph Marco

“Kasi, it takes a lot of determination and time to keep your body fit.”

Hindi ba siya nagandahan sa abs ni Joseph?

“Ano bang gusto mong sabihin ko? Ha! Ha! Ha!”

Hindi ba nalaglag ‘yung tuwalya na naka­takip sa harapan ni Joseph?

“Panoorin mo! Ha! Ha! Ha!”

Ayaw idetalye ni Jodi kung ano exactly ‘yung eksena, pero meron ding pa-abs dito si Xian.

As in meron daw tagisan ng abs ang dalawang Kapamilya hunks.

Nang si Xian ang usi­sain namin tungkol dito, ang sabi lang nito ay basta more on contrast bet­ween the two realities ang makikita sa eksenang ‘yon dahil magkaibang-magkaiba ang mga karak­ter nila ni Joseph sa pelikula.

Pero lumaban siya sa tagisan nila ng abs ng ­Joseph?

“Sana, sana! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Xian.

“‘Yun ang abangan ninyo, ang tagisan ng abs! Ha! Ha! Ha!” masayang hirit pa ni Jodi.

***

Ayon kay Jodi, kung may mensahe man siya sa kanyang ‘Other Self’ ay kagaya rin ‘yon ng sinabi niya sa karakter niyang si Rebecca/Becky sa movie na, “If ever that there are dreams in your heart na hindi pa napu-fulfill, don’t just easily let go of it because at the proper time, your dreams will be realized.”

Kasama sa dreams na ‘yon ni Jodi ay ang i-pursue ang kanyang pag-aaral ng Medisina.

Noon pa niya sinasabi na pangarap niya sanang magdoktor. ­Aniya, isang bagay ito na hindi nawala sa puso at isipan niya.

Masaya niyang ibi­nalita na this year ay babalik siya sa school at very grateful ­siyang nakahanap siya ng esku­we­lahan na may home study program.

So, puwede niyang ­ituloy ang pre-Med course niya before. God willing ay itutuloy niya ang pag-aaral niya ng Medicine.

Sobrang importante nito sa kanya dahil hindi niya nagawa nang diretso ang pag-aaral niya. Kumbaga ay installment.

2010 siya nakatapos ng high school at nga­yon ay ipu-pursue niya ang nasabing course, na hopefully in 2½ years ay matapos niya.

Bakit parang ganu’n katindi ‘yung pagnanasa niya na makuha ‘yung bagay na ‘yon kahit isa na siyang matagum­pay at award-winning act­ress?

“I think it’s also because currently, I’m motivated by my being a mother. I really want to put a premium on education.

“It’s because I have a son and I want to be able to set a good example to him. I want to live by example,” seryosong sambit ng 34-anyos na aktres.

Isa si Jodi sa mga kapuri-puring single mothers ng showbiz.

Nang hiritan namin siya kung may gusto ba siyang sabihin hinggil sa mainit na usapin ngayon kaugnay ng single mothers (na ‘NAANO LANG’) ay tumawa lang si Jodi at hindi na nakisawsaw pa sa isyu.

Sa Mayo 17 ang showing ng Dear ­Other Self sa mga sinehan ­nationwide.