HAVEY: Kasama ko si John Lloyd sa Dubai ngayon para sa isang special na Western Union at TFC show.

Nabanggit niya sa akin na after Ang Babaeng Humayo ay isang pelikula sana with Jodi Sta. Maria ang kanyang gagawin.

Laking gulat na lang ni Lloydie at biglang kambyo ng plano.

Ang nag-storycon kamakailan ay isang project na pagsasamahan nina Jodi, JC de Vera at Joseph Marco na may working title na Dear Other Self by Veronica Velasco.

At ang dinig namin sa TV ay may niluluto ring bagong teleserye para kay Jodi kaya imposible na matuloy ang tambalan nila ni Lloydie sa lalong madaling panahon.

Nabanggit namin kay Lloydie na open na ulit gumawa ng bagong pelikula si Sarah Geronimo.

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

Maganda sana kung si Lloydie pa rin ang maka­tambal ni Sarah pero sa isang mas mature na love story na iba sa Very Special Love record-breaking franchise ng dalawa.

“Sino ba naman ang tatanggi sa Sarah Geronimo? Sana, ready na siyang magtrabaho ulit.

It’ll be my pleasure and honor to work with her again,” sabi ni Lloydie.

Sana, maganap ito sa lalong madaling panahon.

***

WALEY: Ngayon kukunan ang interview ni Judy Ann Santos para sa Magandang Buhay.

For sure, it’ll be such an interesting episode with a lot of major surprises and revelations from the young Superstar.

Magandang malaman kay Juday kung paano niya napapahalagahan ang family time at ang work balance — making her an exemplary wife, mother, daughter, sister, friend and at the same time, the best actress of her generation.

As for the fans, ang tanong nila, kailan na kaya nila mapapanood ulit ang ating batang Superstar? Is she back in fighting form for a teleserye or a movie?

As for our last talk, naka-float na ang dalawang pelikula.

Isa ay ‘yung third installment ng kanilang Kasal, Kasali, Kasalo, Sakal, Sakali, Saklolo box-office series, at ang matagal na niyang nire-request sa Star Cinema na pelikula with the Star-for-all-Seasons Vilma Santos.

Will these be happening soon? Harinawa!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.