DUMALO si Jodi Sta. Maria sa asalto sa 50th bday ni Sen. Bong Revilla kamakalawa nang gabi sa Camp Crame.

Sinamahan siya syempre ni Vice Governor Jolo Revilla.
Nakangiti lang sa amin si Jodi nang kinulit na namin kung nagkabalikan na ba.

Sabi ni Jolo, magbibigay sila ng pahayag sa tamang panahon. Pero sa ngayon ay wala muna silang sasabihin.

Nakikita kasi namin kung gaano ka-close si Jodi sa pamilya ni Jolo lalo na sa mga kapatid nito.

Kaya hindi puwedeng wala siya sa kaarawan ni Sen. Bong.

Kinulit na lang namin si Jodi ng balato sa pagkapanalo niya sa Minute to Win It dahil wala silang masabi ni Jolo tungkol sa tunay na kalaga­yan ng kanilang relasyon.

***

Bong Revilla
Bong Revilla

Dumalo rin si President-Mayor Erap sa asalto kay Sen. Bong.

Natakot kaming lumapit kay Erap para tanungin sana namin tungkol sa isyu nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann.

Sabi ng ilang nakatsikahan namin doon, mukhang wala pa raw ideya si Mayor Erap kaya huwag na raw na­ming tanungin.

Baka naghihintay lang daw ng tamang buwelo si Jake para ipagtapat sa kanyang ama ang tungkol sa pagiging ama niya sa anak ni Andi na si Ellie.

Ayaw magkomento ni Sen. Jinggoy Estrada tungkol diyan.

Hindi raw niya inaalam kung hindi ito i-open sa kanya ni Jake. Pero malapit si Jake sa Kuya Jinggoy niya, kaya baka nagkausap na ang magkapatid tungkol sa isyung iyan.

3 Responses

  1. WAG NG PAKAWALAN YANG C REVILLA NA YAN..TOTOO NAMAN MILYON MILYON NA NAKAW NYAN SA KABAN NG BAYAN.MAY PASIGAW SIGAW PA SYA DATI SA EDSA KAY ERAP YUN PALA PAREHO LANG SILA NG KULAY!MAG NANAMAKAW GALIT SA KAPWA MAG NANAKAW!