Matapos magpakasal ang mag-asawang Joe Jonas at Sophie Turner sa Las Vegas noong Mayo, tumungo sila sa Paris noong Linggo para paghandaan ang kanilang pangalawang kasal.

Duda nga ng marami ay nagpakasal na ang mag-asawa dahil nag-post sila ng isang kissing selfie sa harap ng Eiffel Tower noong Sabado ng gabi.

Pero mukhang sinagot ni Dr. Phil ang espekulasyon sa kanyang Instagram account ng “Easy now! 1 week to go! Ha! See you at the wedding!”
So, maliwanag ang sinabi ni Dr. Phil (talk show host na malapit sa mag-asawa), na sina Joe at Sophie ay muling magpapakasal sa ikalawang pagkakataon sa Sabado, June 29. Pero nananatiling tikom ang bibig ng mag-asawa tungkol sa petsa.

Posibleng magpatupad sina Sophie at Joe ng no-phone policy para mas ma-enjoy nila ang company ng isa’t isa at mas mapaigting ang init ng kanilang pagmamahalan sa Paris. (Lourdes Fabian