KABOGERA ang Lord of Scents na si Joel Cruz. Patuloy na namamayagpag ang kanyang mga pabango at patuloy rin ang ang makukulay na pangyayari sa buhay niya.
Ang Makulay na Daigdig ni Joel na ba ang dapat niyang isunod na proyekto?
Laman muli si Cruz ng mga balita, kasi, nasa Russia muli ito to visit his new set of twins.
5 years old na sina Prince Sean at Princess Synne, ang panganay na kambal.
Ang middle children ay two years old na, ang parehong lalaking sina Prince Harvey at Prince Harry.
Itong bunsong pair, ayon sa offficial publicist ni Cruz, “Boy at girl ang twins. Hindi ko pa lang alam kung ano ang mga pangalan.”
And speaking of mahal, tunay na “mahal” ang twins ni Joel na born courtesy of in vitro fertization.
Sa pagkakatanda namin, same mother ang first at second twins, may chance na same mother ang third.
Ang added chika kay Cruz kaya mas naging blushing at blooming ito with pastel colors, ayon sa isang pink portal, kasama ni Joel ang paborito nitong consort sa nasabing bansa, si Jiro Shirakawa.
The WHO si Jiro Shirakawa?
Isa siyang Filipino male supermodel na ang claim to fame eh talagang hindi pang-Asian ang size of his phallus.
Ang fag hags, mga diwata at mga sirena, hindi malilimutan nang nagparamdam ang kanyang junior Jiro sa isang bikini summit.
Best in Felix Bakat at Best in Palo-Palo ang dumarang sa mga saksi na basang-basang harot, higas at hitad.
Sabi pa sa old posts mula sa pink portal, consort din ni Cruz during the mga payanig sa Ms. Universe si Shirakawa.
Sa postings ni Jiro sa FB kung saan pinapakita niya ang beauty of Moscow, parang nag-mature na ito pero guapo pa rin. Pwedeng-pwede pa rin siyang pan-leading man sa isang Asian drama. Papable na papable. Fresh na fresh.
Say ni official publicist, hindi consort si Shirakawa kundi, “Official employee si Jiro. ‘Yung dating assistant ni Sir Joel, nag-training as licensed security officer. Si Jiro ang pumalit.”
Kaya ang totoo, si Shirakawa ang bodyguard ni Joel Cruz.
Bodyguard cum boylet. How convenient.