Joel, Ynez, Sunshine vs Dupaya OA ang giyera

Ang giyera patani at giyerang mani, patuloy ang pagdaloy ng mga kaganapan, huh. Kung akala niyo tapos na dahil nga may mga sinampa ng kaso sa piskalya laban kay Kathelyn Dupaya, think again! Sina Joel Cruz at Ynez Veneracion, libel case ang isasampang kaso laban sa Brunei-based bussiness woman.

Sa isang press confe­rence, may paglilinaw ang mga legal counsel ni Cruz, sina Attorney Topacio at Attorney Jasmin Sy tungkol sa mga pasabog ni Dupaya.

Sa pahayag na P2 Million worth of Aficionado products ang kanyang binili, P580,000 lamang ang binili ni Dupaya ayon iyan sa mga legal counsels.

Hindi expired ang mga produktong ibinigay sa bussiness woman at matagal pala ang mga shelf lives nito, isang taon at dalawang buwan. Kung bakit hindi ito agad na-despose ni Ms. Dupaya, siya lamang ang makakasagot niyan,
Wala ring problema si Joel Cruz at kanyang perfume company. Sa dalawang dekada nito, laging maayos, tama at tapat ang pagbabayad nito ng buwis. Dokumentado rin ang income tax returns ng tinaguriang Lord of Scents.

Sa press conference, isiniwalat ni Atty. Topacio, maliban sa estafa case ni Cruz, may naka­bimbing kaso ng estafa si Dupaya sa Branch 117 ng Pasay City. at may warrant of arrest na si Dupaya sa kasong iyon. Nakapag-piyansa naman ang businesswoman.

Ang puntos ng legal counsel ni Cruz, ang u­nang estafa case ni Dupaya ay may pattern diumano na ang businesswoman sa estafa.

Libel at cybercrime naman ang reklamo ni Ynez kay Dupaya.

Pag na-file na ang lahat ng mga kaso, at na-milked dry na ang mga kuda at hanash, sana on both sides, manahimik na sila at maging mabilisan sana ang pag-isyu sa gag order para my lips are sealed na ang mga kasali sa giyerang mani na ito.

OA na ang media mileage nila. Dapat talaga silang magtigil putakan.
***

Direk Mike nakakaumay ang hanash

At tuloy pa rin ang mga aria, huh! And how? Matapos ang kanyang agad-agad at enhanced version of his truth, ang bagong hanash ba ni Director Mike De Leon sa Facebook eh kahuki-hukihan na talaga?

Baka naman ilang oras pa mula ngayon, may bago na naman ha? Direk Mike, tama na, sobra na, nakakaumay na po ang inyong mga aria.

Puwede naman pala natin siyang i-judge like a book. Ang kanyang hanash,” You, AA have said a lot of things about my character that I have never tried to hide. I am an open book in the business, my bipolar disorder and fits of rage are showbiz fodder.”

May kuda rin siya patungkol sa mga netizens who populate and pollute social media, ang drama niya, “Social media is teeming with people who try to present themselves as morally superior yet they continue to enjoy the spectacle of a good show. You guys, spare us your moral indignation, stop watching the mike/atom a_hole show and start watching what is happening to this unfortunate country because the forces of darkness and evil are upon us again.”

Siyempre pa, pangabog ang kanyang huling paalam kay Araullo, “My only warning to AA as we say goodbye or good riddance to each other is this, at may parunggit pa talaga, “btw, get rid of your manager, he’s bad news.”

Ang diva that you love, hiningi ang reaksyon ng pamunuan ni Atom tungkol rito at ang sabi niya lang ay, “Nada.”