Happy ang lovelife ni Joem, na 5 years na ang relasyon sa commercial model girlfriend niyang si Trisha Uy.
Napag-uusapan na nila ang kasal, pero hindi pa ngayon.

Basta, masaya ang aktor dahil nagwo-work ang relasyon nila.
Kahit matagal na sila ay hindi niya nabubuntis si Trisha dahil sabi sa amin ni Joem, pinaplano nila ang bagay na ‘yon. At saka nag-iipon pa siya.

Ang co-star niyang si Luis Alandy ay magpapakasal na. Sey ni Joem, okey lang dahil mas matanda naman si Luis sa kanya. 36-anyos ito at 29-anyos siya.
Naging nobya noon ni Joem si Meryl Soriano. 1½ years ding naging sila.

Masaya naman sila before ni Meme at friends silang dalawa ngayon.

***

MULING bumilib si Joem Bascon kay Judy Ann Santos-Agoncillo nang makatrabaho niya ito sa 2016 Cinemalaya entry na Kusina.
May eksena si Juday (bilang Juanita) sa movie na ibinulalas nito lahat ng kinikimkim nitong hinaing at sama ng loob kay Joem (bilang mister nitong si Peles).

Pak na pak ang husay ni Juday sa monologue nito.
Masaya si Joem na nagkasama ulit sila ni Juday, na una niyang nakatrabaho sa MMK nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Naging love triangle sila nina Juday at Derek Ramsay sa teleseryeng Habang May Buhay.
First time magsama sa pelikula sina Joem at Juday at mag-asawa ang role nila. Si Luis Alandy naman ang ka-triangle nila sa Kusina.

***

Sa indie film na Siphayo ay magkapatid naman sina Luis at Joem.
Pinagsaluhan nila rito si Nathalie Hart.

Sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo huling napanood si Joem sa ABS-CBN. Nasa Star Magic pa rin siya, pero nakakapag-guest siya sa TV5.

Kung papayagan ay gusto niya rin sanang mag-guest sa mga programa ng GMA. So far ay hanggang Maynila pa lang ang nasusubukan niya.

Mamayang 6:15 PM ang gala premiere ng Kusina sa CCP kung saan imbitado ang mga kaibigan ng bidang si Juday kaya tiyak na star-studded ang Main Theater ng CCP.