Joey, Ruby nainggit sa Sakura experience ni Vic

tonite-pak-allan-dionesTOKYO, JAPAN. Nandito ngayon sa Japan ang ilang “Eat Bulaga” Dabarkads para sa ta­ping ng isang episode ng kanilang yearly Lenten special.

Nasa Tokyo kami para sa isang maiksing bakasyon, sila ay nasa Taketa sa Oita Prefecture na hindi kalayuan mula sa Fukuoka.

Bida sa pang-Semana Santang episode na kinukunan dito sina Vic Sotto, Jose Manalo at Ryzza Mae Dizon. Kasali rin sa nasabing episode sina Allan K, Jimmy Santos at Luane Dy.

Siyempre, kasamang nag-Japan ni Bossing ang misis niyang si Pauleen Luna-Sotto at ang anak nilang si Tali.

Isa sa ginamit nilang location sa Oita ay isang flower farm at isang maliit na Japanese village doon.

Si Ricky Davao ang direktor ng episode, na bago sila nag-shoot doon ay pumunta muna sila earlier nina Mr. Tuviera para mag-ocular ng lugar.

May nakita kaming picture na si Jose ay nag­hubad ng damit kahit malamig. Hilig gawin ni Jose ang pagtatanggal ng damit sa malalamig na lugar.

Sakura time o panahon ng cherry blossoms ngayon dito sa Japan, kaya si Pauleen ay may pinost na pic ni Bossing kasama si Tali na may sakura sa background.

Si Allan K ay may pa-video na naglalakad habang may cherry blossoms sa paligid. May sakura pic din sina Ryzza at Luane.

“Nainggit” ang nasa Manila lang na sina Tito Joey de Leon at Ruby Rodriguez, kaya nag-post din ang mga ito ng throwback sakura pics nila.

Ang unang plano ay panay sa abroad kukunan ang “EB Lenten Special” this year, pero mukhang nabago ang plano.

‘Yung Japan ep lang ang natuloy at sa ‘Pinas na raw ang dalawa pang episodes. Hindi na tuloy ‘yung shoot ng Dabarkads sa Hong Kong at sa Myanmar.

Ang dinig namin ay sa GenSan kukunan ‘yung episode with Alden Richards habang ‘yung with Maine Mendoza ay mukhang road trip paakyat sa Northern Luzon.
***

Taki bagong member ng J-Pop

Miyembro na ng isang all-female Japanese pop group ang dating “Trops” star at “Eat Bulaga” co-host na si Taki Saito.

Pinuntahan kami ng 18-anyos na bagets dito sa Tokyo at sinamahan niya kaming mamasyal with Tita Malou Fagar and Anna Pingol.

2013 pa ang J-Pop quintet na Faky pero ni-relaunch sila recently kasama ang dalawang bagong members na sina Taki (¼ Japanese) si Akina (Jap-American). Full Japanese ang datihan nang sina Lil’ Fang, Mikako at Hina.

Dati nang magaling sumayaw si Taki pero napansin namin na mas naging sexy at sensuwal ang mga galaw niya ngayong mas dalaga na siya.

Nagko-concert na ang Faky dito sa Japan at sabi sa amin ni Taki, soon ay may national tour na ang grupo nila. After that ay sa ibang bansa na sila magpe-perform kabilang ang Brazil na hometown ng fadir ni Taki.

Naaliw kami kay Taki dahil kikay pa rin siya at sobrang machika. Kahit may career na siya rito ay may kontrata pa rin daw siya sa Triple A management nina Mr. T.

Bago siya umalis ng ‘Pinas ay nakagawa pa siya ng movie under APT Entertainment, ang horror movie na “Banal,” kasama sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Kim Last.

Coming soon na raw ito, sabi sa trailer. Mukhang hindi makakauwi si Taki ‘pag nag-showing ito, so medyo sad siya dahil miss na rin daw niya ang Pilipinas lalo na ang showbiz.