Makaraan ang dalawa’t kalahating buwan, nakabalik nap o ako sa jogging dito sa Barangay Kua, GMA, Cavite.
Nagising po ako kahapon (Lunes) ng alas-sais ng umaga, nag-pray, kinuha ang naka-hanger na socks, running short/singlet, baller, watch na gabi pa lang ay hinanda ko, ang nakakahong sapatos nilabas sa pintuan.
Nag-toothbrush, nagbihis, nag-stretching-exercise sa backyard ng 15 minutes, uminom ng isang basong tubig, nagdasal uli bago lumabas na ng gate, nag-5-minute walk at 18 minutes jog, 5mins walk ulit at 15 mins. stretching exercise na naman, bago uminom ng isa pang basong h20 po.
Sarap po ng pakiramdam kaysa sa exercise-stretching lang every other day. Hinanap po talaga ng katawan ko ang pagtakbo. Ilang taon na rin po ang last marathon ko.
Siguradong babalik po ako bukas. Gagawin ko pong daily. Sasamantalahin ko habang work from home ako.
Hinihikayat ko rin kayo dear readers.
Para malayo tayo sa sakit, kasi magiging masigla ang ating katawan, bubuti ang ating kalusugan.
***
Ipanalangin po nating matapos na ang COVID-19 hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo para mabalik na sa normal ang lahat, kabilang ang sports events.
Mag-ingat po tayong araw-araw, panatilihin pong malakas ang ating katawan at kalusugan.
At nagpapasalamat po ako kay Nestle Philippines, Inc.-Milo AVP Lester Castillo, sa Strategic Edge Incorporated-Makati na PR partner ng Milo, at kina John Gody Pagaran, Sherwin Mendoza at Jemilyn Sunga ng Ace Promotions and Marketing Corp.-Pasig sa pinagkaloob sa aking isang bag na may NPI beverages/snack noong Linggo.
***
Kung may gusto po kayong itanong o nais mag-reaksiyon, mag-email lang po kayo sa ramilcruz2003 @gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com.
Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.
God bless us all!