KUWENTO ng isang kaakit-akit na bading na ewan kung pakendeng-kendeng…
“Naglalakad ako sa labas ng condo. Sinipulan ako ng mga construction workers.
“Ang sabi ko lang, ‘That’s inappropriate but no need for apologies.’
“Sumagot ang construction worker, ‘Tang ina mo! Feeling mo, ikaw sinipulan?’
“Wala akong nasabi.”
Ang kaakit-akit na bading ay indie movie producer, scriptwriter, blogger at artista paminsan-minsan.
Ang kanyang initals ay L.B.
***
“The problem with political jokes is they get elected.”
Sabi iyan ni THE PROFESSIONAL HECKLER, multi-awarded blogger sa bayang magiliw.
Nakakaaliw na nakakabaliw ang kyemeru kimberly na ‘exclusive interview’ ni PH (Professional Heckler) kay Du30.
Heto ang utang inang excerpts…
Kung kayo raw ang masusunod, mas gusto n’yo ang tatlong anak lang?
“Oo. Kasi mahirap kapag marami ang anak mo. Tapos wala kang ipakain? Patay kang bata ka.”
Eh ba’t kayo ho, apat na ang anak.
“Di mo kasi nakuha boy! Tatlo ang anak ko sa aking unang asawa. Ok na ‘yun. Dito sa pangalawa, isa pa lang. So allowed pa ako ng two more. Bobo ka rin ‘no?”
Si Baste ho, dalawa na ang anak sa magkaibang babae. Wala pa ring asawa. Ok ba sa inyo ‘yun?
“Anong magawa ko? Mana sa akin eh. Guwapo. Pero sabi ko nga sa kanya, ‘wag ka nang magpatol sa social media. Kasi ang dami d’yan sa Twitter, sa Facebook, sa Instagram, gustong paanak sa kanya. Itong mga millennials talaga, tatanga-tanga. Mali-mali naman ang grammar. Tang-ina.”
Isyung showbiz naman ho tayo para maiba. Sabi sa news, nag-split na raw sina Enchong Dee at ang girlfriend niya. Bilang isang ama, ano pong maipapayo n’yo sa kanila?
“Split? Saan sila nag-split? Sa sahig?”
Hindi ho! Split. Meaning, break na sila.
“Ahhhhhhh. Gago ka! Hindi mo agad nilinaw. Baka ma-bash ako ng fans ni Enchong. Ayaw kong makialam sa kanya. Pirsunal nila ‘yun. Ipakilala ko na lang siya kay Baste. Matuwa pa siya.”
Si Enchong ho?
“Bobo! ‘Yung babae. Sabi mo break na sila? Eh ‘di yung babae. Ipahamak mo pa ako gago!”
***
EL CID ang taguri ni Robin Padilla kay Presidente Rodrigo Duterte.
Ayon sa Wikipedia, “Rodrigo Díaz de Vivar (c.1043-1099), better known as El Cid, or simply Rodrigo, was a Castilian nobleman and military leader in medieval Spain.
“The Moors called him El Cid, which meant the Lord, and the Christians, El Campeador, which stood for Outstanding Warrior. He was born in Vivar, a town near the city of Burgos.
“After his death, he became Castile’s celebrated national hero and the protagonist of the most significant medieval Spanish epic poem, El Cantar de Mio Cid.”
***
Robin Padilla. Cesar Montano. Phillip Salvador. ER Ejercito.
Lahat sila eh premyadong aktor.
Pinag-uusapan kung sino sa kanila ang higit na may ‘K’ gumanap bilang Digong Duterte sa lifestory nito.
Hindi kaya mas bagay mag-Duterte si John Arcilla, na pagkalutung-lutong din ng mga pagmumura sa pelikulang Heneral Luna?
Naku, huh?! Baka may kyeme latik na si Digong eh reincarnation ni Heneral Antonio Luna, huh?!
Eh ayon kay Tito Ruval Magpayo, si Digong eh kadugo ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal! (ATES)