John Arcilla sa ‘Malvar’ hindi totoo

Hindi totoo ang tsismis na lalabas si John Arcilla bilang General Antonio Luna sa General Miguel Malvar biopic na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao.

Itinanggi ng production house na TBA Studios, na siyang producer ng “Heneral Luna”, na lalabas si John bilang General Luna sa nasabing General Malvar film.

Humingi nga ng tulong si John sa TBA para ma-inform ang publiko na hindi siya lalabas sa pelikula.

Sinabi pa ng TBA Studios na fake ang balita na lalabas ang aktor sa “Malvar” film.

Ang hindi fake news ay ang patuloy na paglabas ni John bilang Renato Hipolito sa action-serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na patuloy pa ring namamayagpag sa ere sa loob ng tatlong taon.

Hindi pa rin nahuhuli ang karakter ni John kahit na maigting ang paghahanap sa kanya nina Cardo at ng mga kasama nito. Namatay na ang ibang kontrabida sa serye tulad ni Baron Geisler, pero si John ay matindi pa rin ang kamandag.

Kaya ang tanong ng regular viewers ng show, kelan kaya babagsak sa kamay ng batas si Renato Hipolito?

Banggaang Sylvia-Irma kinababaliwan

Isa pang show ng ABS-CBN na tinututukan ng viewers ngayon ay ang drama series na “Pamilya Ko”, na bida ang mahusay na si Sylvia Sanchez.

Laging napupuri ng mga netizen ang mahusay na acting ng mga artista, led by Ms. Sylvia na talaga namang pinag-uusapan ng mga viewer.

Since nabuking na sa kuwento na si Ms. Irma Adlawan ay ang mistress ni Joey Marquez, inaabangan ng mga viewer ang confrontation scenes ni Sylvia with Ms. Irma. Kapwa kasi mahusay ang dalawa at aliw na aliw ang viewers sa confrontation scenes nilang dalawa.

Masaya si Sylvia dahil napakaganda ng role niya sa “Pamilya Ko” at kay husay pa ng kanyang mga co-stars.

Para sa kanya, isang malaking blessing na she was given such a beautiful role sa series.

Minsan nga lang daw nagtataka siya sa magagandang blessings na sa kanya ay dumarating. Hindi naman daw siya perfect. Hindi rin siya mabait all the time.

So, ang naisip na dahilan kung bakit siya blessed ay dahil mabait siya sa nanay niya. Hindi man siya perfect na daughter pero puwede raw niyang sabihin na isa siya sa best na anak ng nanay niya.

Tinuruan daw siya ng nanay niya na magkaroon ng mabuting puso. Kasi ‘yun daw kabutihan na naibigay sa kanya ng nanay niya, at ‘yung mga ginagawa nito na makatutulong sa kapwa, ‘yun daw ang magandang aral na bigay ng mother niya sa kanya.

Isa pa raw turo ng mother niya ay ‘yung matuto siyang magpasalamat kapag pinupuri siya sa kanyang magandang ginawa o sa mahusay na performance.

“Namnamin mo ‘yun, enjoy-in mo ‘yun, but ‘wag mo ilagay sa puso’t isip mo totally, kasi ‘yun ‘yung ikakayabang mo,” sabi pa ni Sylvia.

Kaya kung paano siya iminulat ng mother niya to appreciate the good things in life, iyan din ang turo niya sa kanyang mga anak.