John binuking sikreto ni Sam

NI: ROLDAN CASTRO

Matalik na magkaibigan sina John Prats at Sam Milby. Parang magkapatid na ang turingan nila. Anak na nga ang tawag ng mga magulang ni John sa actor-singer.

Malalalim na ang friendship nila at pinagsamahan. Matatandaang noong engagement ni John kay Isabel Oli ay present din si Sam .

Nagtayo rin sila ng Bright Bulb Productions na kasosyo si Angelica Panganiban
Sampung taon na magbarkada na sina Pratty at Milby.

Pati pag-utot ni Sam ay binuking na ni John sa online show na “CSTV Presents: Lunch With The Stars”.

Binisto niya na mahilig kumain ng kamote si Milby kaya ‘napakabango’ umano ang utot nito.

Sey naman si Pooh, ‘yan ang tinatawag na maayos na mukha, masama ang sikmura.