Ni: RONA RONDA
Spotted si John Lloyd Cruz at ang baby nito na si Elias sa isang beach sa Cebu. Kasama rin niya ang aktor na si Mon Confiado na nagdiriwang ng kaarawan nito.
Napansin ng mga netizen ang malaking pagbabago sa itsura ni JLC. Kumpara sa namimintog nitong pangangatawan noong nasa showbiz pa ito, kapansin-pansin ang ipinayat nito na mayroon pang pa-abs.
Komento ng mga netizen,
“payat na ni lloydie at may abs. kaso hipon na siya ngayon.”
“Aba teka. Gumanda katawan ni JLC ah.”
“Wow mukhang wala nang beer belly si JLC at fit ang katawan. Konteng gupit at ahit nalang kuya.”
“Mukhang mas healthy ang itsura ni JLC ngayon dati sobrang payat niya.” “He looks carefree and happy. Nice to see him like that.”
Samantala, pinuri naman ng mga netizen ang pagiging cute ni Baby Elias na nagmana umano sa ina nito na si Ellen Adarna. Hiwalay na si John Lloyd at ang sexy actress pero mukhang co-parenting na lamang ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.