Ikinalulugod ang balitang may pangmalakasang pagbabalik si John Lloyd Cruz sa pelikula.
Yes, oh yes, ayon sa aking impeachable source (IS), ngayong Disyembre na ang shooting ng comeback movie ni JLC at ang pamosong si Lav Diaz ang direktor. Ang pamagat, “Servando Magdamag.”
Bold movie ba ito na tungkol sa mga macho dancer o sa mga spa-kol? Charot! Hahahaha. Yung “Servando” kasi sounds like parang may pang-happy ending na pasabog lalo na nga kung nagkasundo sa presyuhan at tawaran. ‘Yung magdamag parang may konotasyon na magdamag ang “kaligayahan” na puwedeng ihatag, huh. Hindi kaya masaid si Lloydie niyan?Naku, baka magdabog si Ellen Adarna, huh!
Napahalakhak ang aking impeachable source sa aking reaction. Paliwanag nito, “Hindi, tungkol ito sa lalaking ang pangalan ay Servando na medyo naiirita na at nakakaramdam ng pagkabagot at pagkabigo dahil buong magdamag niyang binabantayan ang kanyang abuelo na may malubhang karamdaman at malapit ng mamatay.”
Reak ko pa, sana naman “maikli” na ang pelikulang ito ni direk Lav. May ngiting sambit mula kay IS, “Whether he makes it as a two-and-a-half hour film or eight hours, he knows what he does best.”
Ang tatay ni Elias ang first choice at only choice ni direk Lav na magbida sa pelikula, dagdag pa iyan ni IS.
Ang diva that you love, isa sa mga tuwang-tuwa sa balitang ito kaya ngayon pa lang, welcome back sa iyong pagbabalik-showbiz, John Lloyd Cruz. Mahusay ka. Mabuhay ka.
Vivian, Liza mag-away na lang sa putikan
Kung saan hahantong ang turf wars nina Vivian Velez, na kasalukuyang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) at ni Liza Dino, ang head ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), bahala na sila.
Ang pinagtataka ko lang naman, kung saan galing ang pagmamaarkulyo nitong si Velez na ang tanging claim to fame sa kanyang showbiz career ay bansagang Ms. Body Beautiful at rah-rah-zisvumba mouth piece nitong kasalukuyang administrasyon.
Imposible naman yatang wala siyang panahon at ‘di nagkaroon ng pagkakataon na magkausap sila ni Liza bago niya isinulat at ipinamahagi ang kanyang official statement. May panahon nga siyang maging one of those spectators sa opening ceremonies ng SEA Games sa Philippine Arena pero para ayusin ang isang pribadong pagpupulong sa FDCP Chair, hindi niya kayang gawin?
Wala rin bang komunikasyon o koordinasyon si Ms. Velez kay Leo Martinez, na dating nakaupo sa posisyon niya sa kasalukuyan para malaman kung bakit may direct hand ang FDCP sa Luna Awards?
Hayaan na natin si Batman, ang buong Justice League, pati na rin sa Zaido at ang mga Pulis Kalawakan kung ang “digmaan” nina Velez at Dino ay tataas sa epikong proporsyon.
Sa true lang, mas bongga sana ang giyera patani nila kung may sampalan, sabunutan at higit sa lahat, mag-gurlisan sila. Kakahikab ang mga palitan ng mga hanash at kuda sa social media sites at mga opisyal na pahayag, huh!
O para mas payanig, mag-away na lang kaya sa putikan sina Vivian at Liza? Mud wrestling kung mud wrestling! Mas pasabog na tunggalian, hindi ba naman?
Luhaan sa takilya
Ang tatlong pelikulang “Mananita,” “Love Is Love” at “Kaibigan,” para lang daw binulong sa hangin at hindi man lang naramdaman ang mga presensya sa mga sinehan.
Luhaan, lugmok¸ talunan, first day, last day nga ba or first hour, last hour ang sinapit nilang tatlo?
Ano ang ibig sabihin nito? Na ang bida sa “Mananita,” si Bela Padilla, kahit mahusay na aktres, ay walang fans at supporters kaya walang box-office pull?
Na walang naging mausisa sa kuwento na tungkol sa isang transwoman, ang katauhan ni Roxanne Barcelo sa “Love Is Love,” na may confused kasintahan, ang ginampanan ni JC de Vera?
At mas lalong walang may pakialam kung pink lovers ang mga ‘di na kabataang sina Jay Manalo at Raymond Bagatsing sa pelikula?
Ang mas nakakahambal, ang gusto sanang maging mga the WHO no more na sina Jesse at Christian Perkins, na mga bida sa “Kaibigan,” dahil nga nagbabu agad sa sinehan ang kanilang first movie, balik na naman sila sa pagiging the WHO times two, huh!
Ang mga susunod na Filipino movies ba na itatanghal bago mag-MMFF, may pag-asa pang kumita sa takilya o magiging mga luhaan rin? Kakalungkot. Kakakaba.