JOHN LLOYD BINASH SA KUTSILYO VIDEO!

Viral ngayon sa social media ang isang video na may pamagat na “John Lloyd Cruz, Ellen Adarna super sweet sa Cebu”.

Pero ang agaw-pansin sa nasabing video na may habang dalawang minuto at 25 segundo ay ang pag­lalaro ni John Lloyd ng kutsilyo.

Nakatatlong beses na pinalipad ni John Lloyd ang kutsilyo habang nakaupo ito sa mahabang upuan sa isang resort sa Bantayan Island sa Cebu kung saan ito nagbakasyon kasama si Ellen at iba pang kaibigan.

Paulit-ulit na dayalog ni John Lloyd habang nilalaro ang kutsilyo ay ang mga katagang “this is paradise” hanggang sa magkamali ito ng salo dahilan upang masugatan ito sa kanang daliri.

Maririnig naman sa video ang pahayag ng isang nakasaksi sa pagkasugat ni John Lloyd na nagbitaw salitang “gaba ‘di kasi makinig”.

Umani naman ng samu’t saring komento ang nasabing video mula sa netizens.

May isang netizen na nakilalang si Agapi Khan ang bumatikos sa nasabing video na naka-post sa YouTube.

Ito ang komento ni Agapi Khan “malas ko naman pag bukas ko ng YTube sila na naman..nyeek…! wla na sira2 na c JLC ano kaya ang tinira lakas ng tama eh..! he’s out of his mind na..knife and traveling maleta pinaglaruan..he he putsa parang bata pasaway..huy beside ur a man 34yrs old ka na..patandang paorung…ha ha ha..JLC ­remember this people say ‘once sumama ka sa bulok na patatas bulok ka na rin…! 4sure whoever celebrities watch this video social media pinagtatawanan ka na…!?

Ayon naman sa isang +princess Naifa “yes JLC not only buang na mukhang wala na sa sarili seem he look like under drug influence..with all his cebu viral video not only he lost his NAME being most brilliant actor but most it his IMAGE his MORAL VALUE his DIGNITY and his REPUTATION..! and yet ur right we better prefer AP coz she more good quality nice character good principles in life compare to EA ..to JLC ‘fame and money is easy to earn but trust to a person/people is very hard to gain esp when u lost..that’s what u did from us JLC not anymore and never again..! (agapikhan pres JLC and ashlyod fans club western Europe).?”

Komento naman ng isang Hector Borris “bakit ganon chest ni llyodie…parang laylay na natuyot. at ang balat na…parang na dry. parang big­la siyang nagka edad ng husto…just my thought. he is my ultimate crush b4…naiinis ako bakit ­biglang nawala na. pati mukha niya, luma­laki na rin ang panga.?

Giit naman ng isang Cobi Sandoval “Awww. Lloydee is so wasted.?? if he’s hurting and this is his way to forget and recover, then these guys, who he calls friends, should have just kept these videos in private. Please get back up lloydee and put yourself together real soon. Some might misjudge you, but still a lot could understand.?”

Kung may mga bashers ay may ilan namang netizens ang nakaunawa kay John Lloyd.

Depensa ng ilang netizens tao din lang si John Lloyd at hayaang mag-enjoy sa buhay.