Isang taon na ring wala si John Lloyd Cruz sa sitcom na Home Sweetie Home kaya naman na-reformat na ito. Aminado ang co-star niyang si Jobert Austria na nami-miss nila ang aktor lalo na ang mga kuwentuhan nila sa set.

Pero hindi man nila kasama si Lloydie dahil pinili na nito ang mabuhay nang pribado, patuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila.

“Nagkakamustahan pa rin naman kami. Hindi naman nawala ‘yung friendship,” lahad ni Jobert.

Natatanong ba nila kung kailan babalik ang aktor? “Hindi na namin pinag-uusapan ‘yung mga personal. More of kamustahan lang talaga. Kung ano man ‘yung naging desisyon niya nirerespeto namin,” pakli niya.