NAGLABAS ng statement ang ABS-CBN 2 tungkol sa indefinite leave ni John Lloyd Cruz last Friday.

Ayon sa ABS-CBN News: “ABS-CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters. John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”

Ayon sa ilang napagtanungan namin, matagal nang napagkasunduan ito ng ABS-CBN at ni John Lloyd.

Napag-usapan daw ito dahil ang buong akala nila ay aayusin na ang renewal ng Kapamilya actor na hanggang October na lang ang kontrata, pero nang ni-review, nagpaalaman na meron pa palang palugit na limang buwan.

Kaya technically hanggang March 2018 pa ang kontrata niya at by February ay dapat ayusin na ang renewal nito.

Kaya abangan na lang daw kung magkakaroon ba ng renewal of contract sa February o March.

Nu’ng pumutok ang isyu sa kanila ni Ellen Adarna at ang tila hindi na makontrol na mga ‘pagwawalwal’ umano ni John Lloyd kaya’t napagdesisyunan ang pamunuan ng ABS-CBN kailangan nang ipa-rehab ito. Hindi lang matiyak ng aming source kung sa alcohol lang ba talaga ang ipapa-rehab.

Ayon sa aming source, dapat ay bago pa raw mag-Star Magic Ball ini-announce ang pagli-leave ni John Lloyd, subalit naka-attend pa ito ng birthday ni Maja Salvador saka pa lumabas ang announcement ng indefinite leave at pagpunta nito sa ibang bansa.

Kasabay naman nito ay nag-post ni Ellen Adarna na inaasam niyang magbakasyon sa Switzerland. Kaya nagtatanong ang mga followers nito kung kasama ba siya sa pagpunta ni John Lloyd sa ibang bansa.

Atom ‘threat’ sa mga orig na GMA reporters

NAGULAT si Atom Araullo na hindi rin siya naligtas sa intriga itong paglipat niya ng GMA 7.
Ini-launch na kasi ang first documentary na gagawin niya sa GMA 7, ito ‘yung Philippine Seas na mapapanood na sa November 5 ng 3:30 p.m.

Ang intrigang nakara­ting sa amin, matagal nang naplano ng GMA News and Public Affairs itong Philippine Seas. May naisip na silang mag-host nito, pero nang pumasok si Atom sa GMA 7, sa kanya na ito ibinigay.

“I don’t know, it’s hard to speculate,” initial reaction ni Atom.

Tiniyak niyang hindi naman daw siya threat sa kung sino mang mga reporters o journalists sa GMA News. Ramdam naman niya ang init ng pagtanggap sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Pahayag ni Atom: “Hindi ko alam kung ano ‘yung katotohanan. I think they have nothing to worry about.

“I’m part of the new team and a lot of respect for these journalists and they have accomplished a lot also. I’m just here to find my own contribution.”

Base sa teaser na ipinakita sa press launch nito, ipinakita ang ganda ng ating karagatan, at tugma ito sa advocacy ni Atom na pag-aalaga sa ating kapaligiran at natural resources.

Dagdag pa niya: “I think it matches my personality also kasi meron nga akong ganu’ng advocacy about our environment and taking care of our natural resources.

“I like being in the field. I like exploring. I want to go to the places where people earn a living and observe how they do it. For all of those reasons, parang it’s a nice project to do, first project with GMA.”