John Lloyd imposibleng ibasura ng ABS-CBN 2

john-lloyd-cruz

ANG basagulero at lasenggerong si Baron Geisler, ang not once, but twice na nagpa-rehabilitate to kick off his addiction, si JM De Guzman at ang may alegasyon na in possession of marijuana na ikunulong at ngayon ay malaya na, si Mark Anthony fernandez, ano ang bagay na meron silang common?

Maliban sa pag-su-succumb sa dark side, hindi pwedeng ikaila na MAGA­GALING sila pagdating sa pag-arte kaya ang showbiz, laging may more chances of winning for them.

Kung ang mga aktor ngang ito ay laging may bukas na pinto para sa kanila, paano pa ang isang John Lloyd Cruz na nagbabakasyon sa kanyang karera?

Ano ba ang kasalanan niya talaga? Hindi ba, nagmamahal lang siya, mga Kapamilya? Mali bang ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Ellen Adarna?

Kung sakaling ikinasal na nga sila, hindi ba karapatan naman nilang gawing pribado ang kanilang pag-iisang dibdib?

Pag ang baby nila ni Mrs. Cruz ay duma­ting na, mas maraming pwedeng gawing endorsements si JLC, mula diapers, infant formula, vitamins, baby food, clothing at kung anu-ano pa.

Fatherhood will be good to him at mas lalawak ang kanyang demographics at public reach.

Ang ABS-CBN, imposible namang pakakawalan na lang siya on his own pag tapos na ang kanyang bakasyon at raring to go back to work. Wala naman akong pagdududa na ang GMA 7, maaring may nakakasang kontrata na para sa mahusay na aktor.

Kaya sa mga nagsasabing mali ang desisyon niya sa kasalukuyan, you better think again.

Compared sa tatlong lalaking artista na una kong binanggit, John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz, a superstar and a super actor pa.