John Lloyd matagal naging ‘bato’ sa piling ni Adarna

john-lloyd-cruz

“Oh, here she comes, watch out boy she’ll chew you up, oh here she comes…. she’s a man eater,” mula sa Hall and Oates song ang mga linyang iyan at kung may ‘she’ na tila babagay sa sinasabi sa awit, walang duda na ito ay ang talk of the town as of the moment, si Ellen Adarna.

Ang babaeng of course, does not seem to care and mind na ganyan ang imaheng nakatatak sa kanya. Enjoy na enjoy naman siya sa pakikipag­laro sa kanyang mga kaibigang lalaki. Sa biglang tingin, dahil nga sa mga gawi niya at pananalita, alam mong ‘fierce’ si Ellen. Alam niya ang gusto niya and she knows how to get it. And how? Maaa­ring by slow seduction.

Puwede rin a case of opposite attracts. Keri rin ang misery loves company. Mas lalong pasok sa ba­nga you and me against the world o ‘yung ikaw at ako, we are now two less lonely people in the world.

Physically attractive si Adarna, makinis, ample ang bosoms, sensual ang lips, babaing down to earth, parang hindi pang high maintenance, cowgirl kung cowgirl and para siyang little girl loss kaya ang mga lalaking nadadala sa alindog at halina niya, gusto siyang iligtas, sagipin, gustong maging super hero o knight in shining­ armor itong damsel in distress na palamura, malakas tumoma at pwedeng maging fixture sa mga walwalan, walang keber at may devil may care attitude, you only live once kaya sige, it’s more fun to be a femme fatale.

Kaya nga, noong panahon na pumutok ang balita dati na siya daw ang dahilan kung bakit naghiwalay si Gwen Zamora at kasintahan nito na si Raymund Romualdez, wala namang mas­yadong nagtataka.

Of course, Adarna has her sights for the big time. Nagkagulo ang lahat nu’ng na­ging malapit sila at nagkarelasyon sa anak ni Presidente Digong Duterte, si Baste Duterte.

Si Baste ay barakong-barako, adventurous, alam mong ladies man kaya match na match sila ni Adarna na babaeng-babae, free spirited at alam mong alam how to seduce a straight man.

Ang daming kuwento, mga larawan na makikitang magkasama ang da­lawa, na parang bound for wedded bliss. Hindi nga ba’t ang Pinakamakapangyarihang Ginoo, kinastigo ang bunso publicly, dahil Baste was spending more time, love and tenderness kay Adarna kesa gampa­nan ang kanyang mga fatherly duties.

Hindi rin naman nagtagal ang dalawa pero nanatiling magkaibi­gan hanggang sa duma­ting ang pagkakataon na mapasali si Ellen sa Home Sweetie Home, bilang unofficial love triangle nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Masasabi nating destined ang pagsasamang ito nina Ellen at Lloydie? At talagang hindi mapipigilan ang kanilang mga damdamin?

Si John Lloyd ay ginawang the man you want to introduce to your parents as your future husband. Mild mannered, emotio­nal, sentimental at laging maganda ang pakikitu­ngo sa kanyang mga naging leading ladies at mga naging high profile na mga kasintahan.

For all his almost squeaky clean image, may mga urban legend tales tungkol sa aktor. May katotohanan nga ba na mahilig itong lumaklak ng mga alcoholic beverage? Na one time in their sosi lives, sina Ruffa Gutierre­z at Liz Uy nga ba ay na­ging literal na yaya ni Cruz dahil sila ang nag-uuwi at nag-aalaga sa binata ‘pag lasing na lasing na ito?

May katotohanan din nga ba ang tsismis na minsan sa kanila ni Shaina Magdayao, ay may pang-Believe It or Not na pangyayari?

At maski si Angelica Panganiban, na ang huling babaeng minahal ni Lloydie bago si Ellen, takang-taka kung ano nga ba ang meron si John Lloyd at gustong-gusto ng mga babae?

Popularity, how can you not want to be with a man na hindi lang dramatic actor, superstar pa at multi-million product endorser. Good looks, charming si Cruz, may puppy dog eyes na ‘pag tumingin sa kahit na sinong babae, will make her heart melt.

Ang pagsasama nila ni Ellen, is it a case of opposite attracts o as I wrote earlier, misery loves company, o talagang gusto nila na maging you and me against the world sila?
Buo ang loob ni Cruz na maging mangingibig ni Ellen at wala siyang pakialam kung masira ang kanyang karera. May ba­lita pa nga na ‘yung remainder of his contract sa kanyang mother network, isinauli nito ang ibinayad sa kanya.

Sa piling ni Ellen, he is living his fantasies and freedom.

Is this a case of emotional meltdown? Probably, pero hindi na bata si John Lloyd, alam niya ang pros and cons of a situation at dahil nga romantic ito by heart, ang apoy na nakakapasong hatid ni Ellen ay sadyang exciting for a man na pictured and presented as Mr. Perfect.

Kasalanan nga ba ang magmamahal sa babaeng gaya ni Ellen? Paano kung sa mata at damdamin ni Lloydie, he can see no wrong with Ellen, should we take it against him and the woman she loves?

May bagong imbrog­lio ang inamorata ni John Lloyd, we can observe now kung hanggang saan talaga niya kayang ipagtanggol ni Cruz ang kanyang Adarna. O ito na nga ba ang pagkaka­taong hinihintay nating lahat na maging tao na muli si JLC dahil matagal-tagal na rin naman siyang naging ‘bato’ sa piling ni Ellen, ang Adarna ng b­uhay niya.