HINDI lang basta business partners sa Bright Bulb Productions sina Angelica Panganiban at John Prats (ka-partner din nila sa business na ‘yon si Sam Milby) dahil best friends din sila.

Noong maliliit pa sila, ang kapatid ni John na si Camille Prats ang sobrang close kay Angelica, pero simula nang magkasama sila sa Banana Sundae, sila na ang naging best friends.

Sabi ni John, kung noon ay wini-wish lang niya na dumating na ang right guy for Angelica, ngayon daw, ipinagdarasal pa niya ‘yon.

Mabait at sensitive na tao ang description ni John sa kanyang best friend at sana nga raw, maging masaya na ito at dumating na talaga si Mr. Right, ang lalaking hindi siya lolokohin at iiwanan lang.

Dahil nga pala sa ilang mga pangyayari sa kanyang buhay (hindi lang sa pag-ibig), kadalasan pala ay takot na si Angelica kapag may mga bagong taong dumarating sa kanyang buhay (hindi lang boyfriend, pati sa mga kaibigan) dahil naiisip niya na iiwanan din lang siya.

Ang mga kaibigan naman ni Angelica na katulad ni John ang nagsasabi sa kanya na hindi naman lahat ng mga taong darating sa kanyang buhay ay iiwanan siya in the end, kaya dapat pa rin na magtiwala siya!

Naikuwento nga pala sa amin ni John na pagdating sa kanilang production business, siya ang namamahala sa pagdidirek, si Sam sa editing at si Angelica ang nagsusulat.