Sam, John naging magkaribal

NI: RONA RONDA

Babae ang naging dahilan kung bakit hate dati ni Sam Milby si John Prats.

Ayon kay John, ayaw umano sa kanya ni Sam dahil malapit siya sa babaeng pinopormahan nito.

Kapwa sila magkasama sa musical variety show na ASAP at hindi umano sila nag-uusap o nagpapansinan man lang.Paminsan-minsan lang ‘yung nagha-hi sila sa isa’t isa.

Para kay Sam isang malaking balakid si John sa pagporma nito sa isang aktres

Hula ng iba ay si Toni Gonzaga na minsan nang niligawan ng aktor.

“I didn’t hate you. I felt threatened lang,” pag-amin ni Sam.

Malapit kasing magkaibigan sina John at Toni Gonzaga. Biro naman ni John, kahit umano maliit siya ay pogi pa rin.

Pero ngayon ay halos sampung taon na silang matalik na magkaibigan. Ang dating hindi nagpapansinan ay nagkasundo dahil parehas umano sila ng pinagdadaanan noong mga panahong iyon.

Actually, saksi si John sa namuong pagmamahalan nina Sam Milby at Catriona Gray.

Kaya ang panalangin ni Pratty ay lumagay na si Sam sa tahimik at mahanap na ang makakasama nito habambuhay. Alam umano ni John na magiging mabuti itong ama sa oras na magkaroon ng pamilya dahil mapagmahal umano ito sa mga pamangkin.