Ang 55 taong gulang na aktor na si Johnny Depp ay nag-file ng isang kaso ng paninirang puri laban sa kanyang dating kabiyak, si Amber Heard. Idinemanda niya ito ng defamation at pinagbabayad ng $50 milyon bilang bayad-pinsala.
Ayon sa sakdal ni Johnny laban sa kanyang ex-wife, tumatanggap si Heard ng bisita kahit malalim na ang gabi. Ito ang dating nakarelasyon na si Elon Musk. Kapag wala siya umano sa bahay nila ay pinapatuloy ni Amber sa kanilang bahay sa Los Angeles. Bilang pruweba, noong mismong gabi na inilantad niya sa publiko na sinasaktan siya ng asawang aktor ay andun din ang nasabing lihim na karelasyon ng kanyang ex-wife.
Pinaratangan ni Depp ang asawa na may lihim na relasyon umano kay Elon Musk isang buwan matapos siyang pakasalan noong 2015.
Sa kanyang lawsuit, iginiit ng Hollywood star na hindi raw nito inabuso ang dati nitong kabiyak.
Bagama’t hindi nito direktang tinukoy si Depp, sinabi nito na hinarap daw nito ang tinawag nitong “our culture’s wrath.”
Samantala, sinabi naman ng abogado ni Heard na si Eric George na ang naturang hakbang ni Depp ay isang pagtatangka para patahimikin ang dati nitong asawa. Pero ayon kay George, hindi raw magpapasindak ang kanyang kliyente kay Depp.
Nagkahiwalay sina Heard at Depp noong May 2016.