Johnson yata yan!

Johnson yata yan!

Janisa, Angels winasiwas ang Perlas

Sinandalan ng PetroGazz ang ningas ni import Janisa Johnson upang pagsarhan ang BanKo, 25-19, 25-21, 25-12, sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference elims, Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Center.

Kumayod si team captain American Johnson ng 21 points, 19 mula sa atake at tig-isang block at service ace para masakote ng Angels ang liderato sa 6-tea=m tournament sa second straight win sa gayung daming salang May 16 markers siya nang itaob din ng hukbo niya ang defending champion Creamline sa opener nitong Linggo.

Tinapos ni Cuban import Wilma Salas ang l­aban sa isang cross court kill tungo sa 18 points kontra sa Perlas Spikers. Siya ay may team-high 20 pts. sa kanyang binyag.

“This time I know what to expect kind of, and I mean ofcourse its different from Europe but I mean I always have to adjust. So now that I am here, I know what to do. Its like, I’m used to it already. This team is really easy for me to adjust,” litanya ni Johnson sa pagbabalik-PVL.

Umayuda rin para sa back-to-back win ng PetroGazz sina Cherry Nunag at Maricar Baloaloa na may walo at anim na puntos sa laban, ayon sa pagkakasunod.

Tanging si team skipper Nicole Tiamzon lang ang nakapalo ng double digit output sa Perlas Spikers – 11 – para sa natasahang team.

“Swerte ulit. We have two high percentage imports,” saad ni Angels coach Arnold Laniog. “But overall ‘yung game plan nasunod at nasa part ng coaching staff talaga. Second game, it’s too early kaya one game at a time lang.” (Janiel Abby Toralba)