Nangangailangan ng mga bagong tour guide ang probinsya ng Ilocos Norte dahil inaasahan nila ang pagdami ng mga dayuhang turista ngayong 2020.
Ayon kay dating Ilocos Norte Travel and Tours Association President Angel Lao, sa ulat ng PNA, kulang ang mga tourist guide tuwing may mga cruise ship na sabay-sabay dumadaong sa Currimao seaport sa Ilocos Norte, at Salomague port sa Cabugao, Ilocos Sur.
Sa ngayon, 28 ang accredited tour guide sa Ilocos Norte, ayon sa datos ng Department of Tourism (DOT). Karamihan dito ay aktibo.
Nasa 10 naman ang tour guide sa Ilocos Sur, 63 sa Pangasinan at 68 sa La Union. Halos 50% sa mga tour guide ng Pangasinan at La Union ang hindi na aktibo.
Umaasa ang DOT-Ilocos Norte na dadami pa ang dadaong sa probinsya gayong nangako ng suporta ang gobyernong Duterte na gagawing isa sa mga pangunahing cruise port sa bansa ang Ilocos Norte. (RC)