Pinabubusisi sa Senado ang joint-exploration agreement na pinasok ng Pilipinas sa China dahil sa pangambang dehado ang bansa sa nasabing kasunduan at nagpapawalang bisa pa ito sa kasong ipinanalo sa Permanent Court of Arbitration (PCA).

Sa panayam kay Madalo party-list Rep. Gary Alejano, ang Senado ­lamang ang puwedeng magbusisi sa mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa kaya hindi, aniya, dapat ipagwalang bahala ang “joint venture agreement for oil exploration” na nilagdaan ng dalawang bansa kamakalawa.

“Dapat kung ano mang kasunduan sa ibang bansa ay dapat dumaan sa Kongreso para tingnan kung advantageous at constitutional ito. Any treaty, agreement, contract with other country must need the concurrence of the Senate,” ani Alejano.

Ayon sa mambabatas, hindi patas ang kasunduang pinasok sa China dahil mistulang nawala umano ang bisa ng PCA ruling noong nakaraang taon na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pilipinas sa nasabing teritoryo.

“Pangalawa, hindi ‘yan magiging sakop ng domestic laws at ng ating Konstitusyon kung saan garantiya ito kung sakali mang hindi sumunod ang China sa kasunduan. Dahil sila ang mag-e-explore wala tayong kontrol sa operations at monitoring,” ayon pa kay Alejano.

One Response

  1. wISE ANG MGA TSEKWA ORAS NA MAY NATAGPUHAN MINA NG LANGIS OR ANO PA MAN. KUKUNIN ULIT IYAN KATULAD NG GINAWA NILA SA WPS.. HA H AH A MAGALING TALAGA ANG MGA NILALAGAY NI SAYAD. SI CAYETANO AKALA KO MAPA FILIPINO IYUN PALA AY MAPA TSEKWA RIN. HA HA HA ..