Jollibee, magbubukas ng 5 store sa Guam

Pinasinayaan kahapon ng Jollibee Foods Corporation (JFC) ang milestone store nito sa Guam. Alinsunod ito sa kanilang plano na mag bukas pa ng limang Jollibee stores sa nasabing bansa sa loob ng limang taon. Ang JFC ay isa sa mga fastest growing Asian restaurant sa buong mundo.

Dadalhin ng Jolli-bee sa Guam ang pinaka-sikat nilang menu kabilang na ang world-famous crispylicious at juicylicious Chickenjoy.

Binansagan itong best fried chicken ng iba’t ibang internatio-nal publications kabilang na ang South China Morning Post at Foodbeast. Isa rin sa mga top internatio-nal fast food chains ang Jollibee ayon sa international lifestyle sites gaya ng Thrillist and The Daily Meal.

“As a growing business center and an island of incredible diversity and taste, Guam will make a great home for Jollibee,” ani Ernesto Tanmantiong, Chief Exe-cutive Officer ng JFC.

Dinaluhan ng libo-libong tao ang pagbubukas ng Jollibee milestone store noong Abril 2019 na matatagpuan malapit sa Micronesa Mall sa Dededo, Guam.

Nagsimula ang JFC bilang isang ice cream parlor sa Pilipinas. Ngayon, ito ay isang global company na na nag-ooperate sa 21 na bansa, dagdag pa dito ang 14 na brands at 4,500 stores sa buong mundo. 1,300 sa mga ito ay nasa ilalim ng Jollibee brand.

Alinsunod sa expansion plans nito, target rin ng Jollibee na magtayo pa ng 150 na stores sa USA at 100 stores sa Canda sa susunod na 5 na taon. Inanunsyo rin ng Jollibee ang pagbubukas ng 50 na stores sa Europe sa susunod na 5 na taon, 25 sa mga ito ay itatayo sa United Kingdom.