
KAKUWENTUHAN namin si Manay Lolit Solis kahapon at inusisa namin siya tungkol sa lovelife ng “apo” niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na anak nina Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado.
Sabi ni Manay Lolit, ang alam niya, sina Jolo at Jodi Sta. Maria na naman ang magkarelasyon. Nagkabalikan ang dalawa.
Kamakailan lang ay kasamang dumalaw ni Jolo si Jodi sa Camp Crame (kung saan nakapiit sina Bong at Jinggoy Estrada).
“Sila pa rin. Hindi nga ba ganyan naman sila, maghihiwalay, pero magbabalikan din?! Noon talagang time ng (Achy Breaky Hearts), hiwalay talaga sila noon, pero after yata, nagkaayos din.
“Eh, magkasama pa nga silang dumalaw kay Bong sa Camp Crame,” impormasyon ni Manay Lolit.
Teka! May nakapagtsika kasi sa akin na niligaw-ligawan ni Jolo ang GMA 7 contract star na si Kim Rodriguez (yes, Manay Lolit, Kim Rodriguez at hindi Kim Domingo, kaya hindi magre-react ang isang politician na na-link sa huli).
Tsika ng isang malapit kay Kim, ang alam niya, sobrang naging malapit si Jolo sa dalaga, huh!
“Sure ka?” pang-uusisa ko sa nagkuwento.
“Oo, sure na sure! Nakaharap ko pa sila. Dinala pa ni Jolo si Kim sa yacht!” paniniguro ng kausap namin.
“Si Jolo, ‘yung anak nina Bong Revilla at Lani Mercado, ha?!” pang-i-interrogate pa namin sa aming source.
“Oo nga, grabe ka naman. Kilala ko si Jolo!” dagdag pa ng kausap ko. “Bandang June nang makaharap ko sila. That time, tinulungan pa ni Jolo na kumuha ng passport si Kim dahil balak nilang pumunta ng Hong Kong.
“Hindi lang ako sure kung natuloy sila, ha! Ang alam ko, si Kim, natuloy, pero wala akong nakitang pinost niya na picture nila ni Jolo, although sabi ng isang kakilala namin na taga-Ampid (lugar sa San Mateo, Rizal kung saan daw based ang mga kamag-anak ni Kim), natuloy raw sina Kim at Jolo sa Hong Kong,” sabi pa ng source namin.
Hmph! Hindi kaya noong panahong nagkakalabuan sina Jolo at Jodi ay saka pumasok sa buhay ng vice governor ng Cavite si Kim?
Naku, pakiimbestigahan nga, Manay Lolit!
***

Nabanggit na rin lang ang parents ni Jolo na sina Bong at Lani, sa Linggo ay 50th birthday ng dating senador.
Dahil weekend, tiyak na dadalawin ng kanyang pamilya si Bong sa Camp Crame.
Kahapon, nagkamali kami sa column item namin tungkol sa malaking tagumpay ng Ai Meets Lani (Lani, May Ai) concert nina Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha sa KIA Theater noong Sabado.
Imbes na MISALUCHA, MERCADO ang LANI na naisulat namin!
Kaya tama lang na i-correct ‘yon para sa kapakanan din ng aming readers, huh!
May isang follower kami na nag-private message sa amin sa Facebook para i-inform kami na nasaktan siya dahil sa Abante Tonite online edition daw, tinawag kaming BOBO ng isang nagkomento dahil sa bagay na ‘yon.
Parang mangiyak-ngiyak na nagsumbong sa amin ang follower na ‘yon dahil nasaktan siya sa wala sa lugar na komento ng isang netizen.
Basher ang tawag ng aming follower sa nagkomentong ‘yon.
Sabi naman namin sa aming follower, tama lang talaga na i-correct namin ang pagkakamaling ‘yon, pero huwag siyang mag-alala dahil hindi kami affected sa basher na tumawag ng BOBO sa amin!
Unang-una, mas na-a-appreciate namin ‘yung mga taong nagko-correct ng pagkakamali namin, pero ‘yung bashers, for us, they will always be haters!
Saka hindi namin kilala ang tumawag ng BOBO sa amin, bakit kami magpapaapekto sa kanya?
Marahil, hindi lang talaga masaya sa kanyang buhay ang taong ‘yon, kaya imbes na i-call niya ang attention namin sa pagkakamali na ‘yon ay mas ginusto niyang tawagin kaming BOBO!
Pero kahit ulit-ulitin niya ang pagtawag ng BOBO sa amin, hello, hindi namin siya papatulan dahil nakakatiyak ba kami na MATALINO siya?
Ang tao kasing MATALINO talaga will never do that! Ang mga taong matatalino, they share their knowledge sa kanilang kapwa at hindi sila katulad ng nagkomentong ‘yon na basta na lang kami hinusgahan na “BOBO”!
Sabi mo nag private message sa iyo follower mo . Next sabi mo parang mangiyak iyak yung nag sumbong sa yo. Really? Alam ko pag message written yun hindi personal meeting. Kung gagawa ka ng kwento Gawin mong kapanipaniwala Kasi hindi lahat ng nagbabasa BOBO.
So pag readers nagsabi ng totoo namba-bash. Pero pag kayong tabloid writers nanlalait ng artista lalo na yung di pa sikat ano tawag sa inyo? Guidance counselor?
Wow. Intelligent. Daig mo si Alwin Ignacio at Ricky Lo. Lalin ang ka level mo si Jobert Sucaldito.
Para walang magbash sa inyo, ayusin naman ang mga sinulat nyo. Meron mga writers na pansin mo talaga tamad at bored sa pagsulat, nangongopya lang at hindi nagresearch. Sila yung hindi man lang nireview ang sinulat nila kaya nagkakamali. Kayong mga writers meron kayong obligasyon sa amin na husayan ang pagsulat nyo dahil kung wala kami, wala rin kayong kakainin
d b me tsika n escort girl yang si kim domingo kaya siguro ganun, nagpasama lang si jolo sa kanya sa yatch. parang si rica peralejo noon nakita sa yatch ni chavit singson
kim rodriguez nga raw po