Jolo ayaw magdetalye sa kasal

Kinumpirma na ni Sen. Bong Revilla na ikakasal na ang kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

“Tuloy ang kasal niya,” ang anunsyo ni Sen. Bong.
This week ay napa­balitang ikakasal na si Jolo sa kanyang beauty queen girlfriend na si Angelica Alita sa December at ayon sa ulat, gaganapin daw ito sa Southern California.

Ayon pa sa balita, engaged na nga raw ang dalawa dahil na rin sa larawang ipinost ni Angelica kung saan ay makikitang may suot siyang tila engagement ring.

Ayaw nang ibigay pa ni Sen. Bong ang iba pang detalye dahil mas maganda raw kung kay Jolo ito manggagaling. Basta raw siya, bilang ama, kung saan masaya ang anak ay masaya rin siya.

Siyempre, tinanong din namin si Jolo about the wedding pero puro “wala pa” ang kanyang sagot na natatawa.

“Kayo naman ang unang makakaalam dahil siyempre, parte na rin kayo ng buhay ko. Kasi unang-una, kahit paano, showbiz personality pa rin naman kami. Hindi naman namin maitatago ‘yun sa inyo. Malalaman at malalaman n’yo rin naman.”

When asked kung happy siya ngayon, aniya, “oo naman, oo naman, siya (Angelica) ‘yung taong nagpapasaya sa akin.”

Suportado raw ng buong pamilya ang kanilang relasyon at sambit pa ni Jolo, “siya (Angelica) na.”

Nahingan naman ng reaksyon si Angelica at sey niya, “happy rin ako, siya rin ang nagpapasaya sa akin.”