Jolo deadma sa proposal kay Angelica

Seenzoned lang ni Jolo Revilla ang ipinadala naming private message na tinatanong namin siya kung totoong engaged na siya.

Nakita ni Jolo ang mensahe namin, pero hanggang sa tinitipa namin ito kahapon ay hindi pa niya kami sinasagot.

Medyo nagtaka kami dahil mabilis mag-reply si Jolo ‘pag meron kaming tinatanong. This time ay deadma siya.

Nag-message din kami kay Senator Bong Revilla, pero wala pa itong sagot.

‘Yung isang malapit kay Jolo na tinanong namin, ang sagot ay wala raw siyang alam, pero medyo duda kami dahil parang maang-maangan school ang acting ang dating.

‘Yung isa pa, ang sagot naman ay eklay lang daw ‘yon ni Jolo, pero may karugtong na kung totoo ito ay wait na lang daw tayo.

Itsurang parte na ng Revilla family ang Bb. Pilipinas 2016 1st runner-up na si Angelica Alita na kasama ang pamilya ni Jolo sa Boracay nu’ng Holy Week.

Tapos ay may suot itong singsing, na tila proud talaga nitong ipinapakita du’n sa pinost nitong Instagram Story. Tanong ng curious netizens, bakit ito magsusuot ng singsing eh nasa beach nga sila?

At ‘yung tamis-tamisan pics nila ni Jolo sa yate ay parang may naganap na isang isang special moment… tulad ng marriage proposal, ganern?!

Ang tagal nakarelasyon ni Jolo si Jodi Sta. Maria, mga 8 years kung hindi kami nagkakamali, pero walang naganap na engagement.

Hindi pa katagalan ang Jolo-Angelica love affair, pero mukhang mauuwi na ito sa kasalan. So, parang ang bilis ng mga pangyayari.

Well, may mga ganu’n naman talaga na whirlwind romance. At minsan, hindi rin talaga basehan ang haba ng naging relasyon.

Puwedeng si Jodi nga ang minahal at nakasama nang mahaba ni Jolo, pero kay Angelica siya itinadhana.

30-anyos na ang aktor at Cavite Vice Governor habang 23-anyos naman ang chef, model at beauty queen na si Angelica, na ang huling celebrity boyfriend ay ang apo ni Ms. Susan Roces at anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.

Ang huling tsikang nasanap namin ay hindi raw talaga magsasalita si Jolo tungkol sa balitang engagement. Baka raw pagkatapos na ng eleksyon.
PAK!!
***

Coco nahawa kay Yassi

Sobrang cute nu’ng boomerang video ni Coco Martin kasama si Yassi Pressman na para silang mga batang paslit na kumekembot-kembot ang bewang sa Tokyo Disneyland.

Sa personal Instagram account ni Coco ay seryoso ang kanyang mga post, pero sa isa pa niyang IG na management niya ang admin ay nakakatuwa ‘yung mga post.

Naunang mag-Boomerang vid si Lola Matilde ni Coco na kumakaway-kaway habang may suot na Minnie Mouse cap. Sumunod ang CocoYass, na naka-L sign ang kanang kamay ni Coco at ‘yung kaliwa ay nasa bulsa ng pantalon niya.

Tuwang-tuwa ang fans ng dalawa dahil ang lakas naman talagang maka-good vibes na ‘yung action star ng “Ang Probinsyano” ay taong-tao at parang bata na nagbu-Boomerang with Yassi, na mukhang little girl ang outfit at may Minnie Mouse ears pang headband.

Bagets na bagets ang dating ng 37-anyos na aktor na parang bumabata raw lalo na ‘pag kasama nito si Yassi. Si Tigger ng Winnie the Pooh ang naka-print sa cute na polo ni Coco.

‘Yung mga ganitong moments ng dalawa ang lalong nagpapalakas ng hope ng CocoYass fans na meron talagang relasyon sina Coco at Yassi.

Actually, very positive ang mga reaction sa dalawa dahil ang ganda nilang tingnan together at mukhang pareho silang masayahin.

Sey ng fans, hindi raw kasi boring kasama si Yassi at nahahawa si Coco sa pagiging happy and fun nito.

Couple goals at travel goals daw ang CocoYass, na blooming daw ang pagmamahalan at mukhang destined to be together.

May mga nagpapayo pa sa dalawa na ilagay si Lord sa gitna ng relasyon nila para tumibay ang kanilang samahan at walang makasira sa kanila.

Ang bongga, ‘di ba? Pero paano na si Julia Montes?!

Kung for reals ang CocoYass, waley na ba talagang CocoJul? Ito ay sa gitna ng balitang nagsilang na umano si Julia ng anak nila ni Coco. (Baka naman para lang malihis sa “panganganak” issue? – Ass. Ed.)

Oo nga pala, bet namin ‘yung tila may himig-pagtataray na IG post ni Coco na tila sagot sa Julia-baby issue.

Nabanggit niya ang hindi niya pagkibo at pagpatol sa mga bagay at huwag daw sanang ang personal niyang buhay ang pag-usapan.

Desisyon niya raw na panatilihing tahimik ang buhay niya, na in fairness ay karapatan naman niya talaga.

Gusto namin ‘yung hindi sumagot o pumatol sa Coco sa issue, pero wala rin siyang direktang pagtanggi na totoo ito.

Kasi, kung walang basehan at wala ni konting bahid ng katotohanan ang mga naglalabasan ay ang daling sabihin na hindi ito totoo at tapos agad ang usapan. Period. The end.

“People will provoke you until they bring out your ugly side, then play victim when you go there,” ang isang pa-quote na post ni Coco, na mukhang wala talagang balak magpa-provoke.

‘Sabagay, ang katotohanan naman ay talagang lalabas at lalabas kahit ano pang tago ang gawin mo rito.
PAK!!