Jolo kinasal na

Ikinasal na si Jolo Revilla sa kanyang beauty queen girlfriend na si Angelica Alita. Ang kasal ay ginanap sa Pelican Hill sa Newport Beach, California noong Linggo, December 15.

Present sa kasalan ang kanyang pamilya na sina Senator Bong Revilla, Lani Mercado, kapatid na si Bryan at ang kanyang anak na si Gab.

Siyempre, dumalo rin si Davao Mayor Sara Duterte bilang ninang sa kasal.

Bago ang pag-iisang dibdib nila ay ibinahagi ni Jolo ang prenup video sa kanyang Instagram. Ang kanilang kasal ay may temang #RoadToForever.

Caption niya, “Ilang oras nalang ay mag-uumpisa na ang aming paglalakbay para sa pagmamahalang walang hanggan. 12.15.19.” (Rona Ronda)