Jolo kinumpirmang engaged na sila ni Angelica

Inamin ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla na engaged na sila ng dyowang si Angelica Alita.

Sey niya sa mismong araw ng kaarawan ng girlfriend:

“Para sa aking minamahal na irog, maligayang kaarawan sayo! Ikaw ang aking inspirasyon, ang kaisa-isang nagpa­patibok ng aking puso. Hangad ko ang kasiyahan, maayos na kalusugan at panatag na kalooban mo para sa mas mahaba pa nating pagsasama. Kahit saan, kahit kailan ikaw lamang! Mahal kita soon to be asawa ko! (heart emoticons),” caption ni Jolo sa latest Instagram post niya.

“Thank you Bebi! Mahal din po kita sobra,” tugon naman ni Angelica.

Noon pa kinukulit ng mga reporter si Jolo kung totoo bang ikakasal na sila ni Angelica. Pero nanatiling tikom ang kanyang bibig. (Jun Lopez)