Jolo parang nasa heaven sa asawa

Almost two weeks matapos ang kasal nila ng beauty queen na si Angelica Alita, halatang masayang-masaya si Jolo Revilla sa bagong buhay may-asawa base na rin sa kanyang recent posts.

Matatandaang ikinasal sina Jolo at Angelica last Dec. 15 sa isang garden wedding sa Pelican Hill Resort, Newport Beach, California.

Halatang nasa honeymoon pa si Jolo na panay ang post ng mga larawan nila ni Angelica.

Sa isang larawan, caption niya, “sa aming paglalakbay, pagmamahal na walang hanggan ang aming tinatanaw. Panginoon ang siyang gabay sa aming buhay may pamilya, mananatiling tapat sa bawat isa at magsasama magpakailanman.”

Kahapon ay nag-post naman siya ng larawan ni Angelica na pagkaganda-ganda’t mistula ngang isang anghel.

“Not all Angels are found in heaven, Mine will be right by my side for the rest of my life,” ang caption ni Jolo.

Komento nga ng isang netizen, “kung ganyan ba nman ka ganda mkikita mo araw araw sa pag dilat ng mga mata mo eh, aba parang nasa heaven k nga lagi Jolo.”

Kiray inilantad ang bagong BF

Ang isa pang parang nasa heaven ngayon ay si Kiray Celis dahil sa kanyang bagong boyfriend na non-showbiz, si Stephan Estopia na una niyang in-introduce sa publiko sa kanyang Instagram account two weeks ago.

Base na rin sa kanyang post, bago lang ang kanilang relasyon at tila 2 months pa lang.

In her latest post ay ipinahayag ni Kiray kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng bagong pag-ibig.

“Simula ng makilala ka, nagbago ang pananaw at saya.

“Pwede palang matulog na panatag at hindi mabigat ang puso. Pwede palang gumising na alam mong hindi ka niloloko at alam mong sayo lang yung taong mahal mo.

“Dahil alam mo sa sarili mo kung paano ka magmahal.

“Na yung nabibigay mo, naibabalik rin sayo ng walang effort at may kusa kasi deserve mo.

“Ganito pala magmahal. Ang sarap magmahal ng tamang tao. Proud sayo. Mahal ng pamilya mo. Taong marespeto at gagawin ang lahat mapasaya ka lang ng todo.

“Madalas kaya dumadating at umaalis yung mga taong hindi para satin para matuto tayo. Para pag dumating yung tama, mas malakas na tayo. Para mas matapang na tayo.

“Kaya wag ka titigil magmahal. Maloloka ka, masasaktan, madadapa pero darating yung taong aakayin ka paakyat, ipaparamdam sayo yung worth mo. At unang iiyak pag may narinig na hindi maganda tungkol sayo. At ipaglalaban at ipagtatanggol ka sa kahit na sino.

“Tomboy, bakla, babae man o lalaki, deserve natin mahalin ng totoo. Deserve natin mahalin ng tayo lang. deserve natin irespeto. Deserve natin sumaya. DESERVE NATIN NG KAGAYA NILA,” ang mahabang caption ni Kiray sa larawan nila ng dyowa.

In fairness, gwapo ang guy at hindi kami magtataka kung maging artista na rin ito isang araw.