Matapos sabihing magkaibigan sila, binanatan naman kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison na hindi dapat magyabang lalo at hindi naman nito kayang magpanalo ng kahit na isang barangay.
“Akala mo sino magsalita hindi nga makapanalo ng barangay, ang style bandido,” pahayag ni Pangulong Duterte nang bumisita ito sa 3rd Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Gen. Macario Peralta Jr. sa Jamindan, Capiz.
Sinabi ni Pangulong Duterte na wala sa kapangyarihan ang CPP kaya hindi naman ito dapat na magmayabang.
Wala, aniya, itong naipanalo at magaling lang sa pananambang at nasa kabundukan lamang nagkukuta.
“Akala mo they are force to reckon with, they cannot even occupy a barangay in a single day,” pahayag pa ni Duterte na nagsabing hindi kayang ubusin ng mga rebelde ang puwersa ng militar.
Tila sumiklab ang word war sa pagitan ng dalawa matapos bawiin ni Pangulong Duterte ang idineklara nitong unilateral ceasefire sa mga rebeldeng komunista sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).
Inihayag naman ni Sison na hindi sila masisindak sa ginawang pagbawi ni Duterte sa unilateral ceasefire bagama’t plano na rin umano ng mga rebeldeng komunista na magdeklara na rin ng tigil-putukan laban sa mga tropa ng pamahalaan.
Binawi ng Pangulo ang unilateral ceasefire matapos na tambangan at mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang grupo ng militiamen habang pabalik sa kanilang kampo sa Kapalong, Davao del Norte kung saan isa ang nasawi habang apat ang sugatan.
Ikinagalit ito ni Duterte na binigyan pa ng deadline ang mga rebeldeng komunista para magdeklara ng sarili nilang ceasefire.
dapat nang magising ang mga miyembro ng NPA na sila ang ginagawang frontline ni joma samantalang si joma ay takot umuwi ng pilipinas dahil huhulihin siya.
SANA IMULAT NG MGA NPA ANG KANILANG ISIPAN.. BUMABA NA MULA SA KABUNDUKAN AT MAKIPAG TULUNGAN SA PRESIDENTE UPANG MAKAMIT ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN NA MINIMITHI AT PARA NA RIN SUMULONG NAG KABUHAYAN SA IBAT IBANG PANIG NG PILIPINAS… WAG NA SANA MAG PAUTO PA SA LEADER NILA NA NAGPAPASARAP LANG SA IBANG BANSA SAMANTALANG SILA PARANG DAGA NA NAG TATAGO SA KABUNDUKAN….
ITS TIME TO END ARM STRUGGLE… MAG TULONG TULONG TAYO IBANGON ANG ATING BANSANG PILIPINAS… PALAKASIN ANG AGRICULTURA, EDUKASYON AT KAUNLARAN PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN NG TAONG BAYAN AT BAYAN.
salamat mr. President at nalinawan ka na din yata, yang mga hinyupak na CPP/NPA na yan, ayaw nila ng PEACE gusto nila gulo,, ang mga engot nman NAGPAPALOKO sila ke JOMA cila nasa bundok nagtitiis sa lamok at gutom,ung amo nila nagpapasarap sa steak at aircon sa abroad,,, mga kapatid sa pakikibaka,,, gising na po,,,NAGHIHINGALO na po ang ideology ni Karl Marx…
DAMING PROBLEMA NI PRESIDENTE SANA MALAMPASAN NIYA ITO LAHAT SUPER GALING NIYA
IPAGDASAL NA LANG NATIN… KAHIT SA GANUNG PARAAN AY MATULUNGAN NATIN ANG PRESIDENTENG NAG SUSUMIKAP NA AYUSIN ANG ATING BANSA.