Jonalyn Viray
Jonalyn Viray

ANG saya-saya ng mukha ni Jona nang sandaling nakatsikahan namin sa presscon ng Gabay Guro.

Kasama ni Jona sa mga magpapasaya sa mga guro ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Lea Salonga at Sharon Cuneta.

Malaking karangalan daw kay Jona na nakakasama niya ang mga iginagalang niyang performers.

Excited siyang magkikita sila uli ni Regine dahil matagal din niyang hindi ito nakasama magmula nang naging Kapamilya na siya.

Isa sana si Regine sa gusto niyang imbitahing maging special guests sa malaking concert na binubuo ng Kapamilya network para sa kanya.

Baka sa November ang concert nito, pero hindi pa niya masabi ang eksaktong date.

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Nandiyan pa rin ang komunikasyon nila ng ilang mga kaibigan sa Kapuso network.

Kung puwede sa kanilang schedule, maa­ring imbitahin niyang mag-guest sa kanyang concert.

Kahit ang mga kasamahan niya sa La Diva, puwede dahil okay daw sila.

“Hindi naman namin napag-usapan na talagang okay na tayo, ha? Kasi, sa wedding ng isang common friend, nagkita kami du’n ni Ma­ricris, at nagkaroon naman kami ng casual na usapan. I think okay naman po eh,” medyo naalangang sagot ni Jona.

***

Maganda ang tandem ng magkasintahang Je­remy Marquez at Gwen Zamora na nakatakda nang magpakasal sa susunod na taon.

Ayaw pang banggitin ni Gwen ang eksaktong date ng kasal nila sa isang old church sa bayan ng Dauis sa Bohol, pero sa first quarter ‘yon ng 2017.

Isa sa mga ninong ay si Sen. Allan Peter Cayetano. Hindi pa niya masabi kung kasama rin si Pres. Rodrigo Duterte sa tatayong ninong.

Nang pag-usapan nila ang paglagay sa tahimik, napagkasunduan ng magkasintahan na puwede pa rin nilang ituloy ang kanilang career.

Suportado ni Gwen ang political career ni J­e­remy at ganun din ang suportang ibibigay ni Jeremy sa showbiz career ni Gwen.

Isa sa suporta ni Jeremy ay hindi na lang panoorin ang isang indie film ni Gwen na Apocalypse Child dahil medyo daring doon ang magandang aktres.

Pero proud si Jeremy dahil nominado si Gwen sa kategoryang Best Actress sa nalalapit na FAP Awards.

Kung gusto ni Gwen na ituloy ang pag-aartista kahit mag-asawa na sila, susuportahan ito ni Je­remy. Pero kung magka-baby agad, puwede niyang isantabi ang trabaho.