Kung successful ang paglipat ni Ivan mula sa ABS-CBN to GMA 7, ang dating Kapuso na si Jonalyn Viray na naging Jona na paglipat sa Kapamilya network ay sobrang nakilala nang nasa Dos na, huh!

Most requested ng TFC (The Filipino ­Channel) fans si Jona, kaya marami siyang shows abroad.

Kaliwa’t kanan ang out of town shows ni Jona dahil sa exposure niya sa ASAP.

Si Jona ang ­kumanta ng theme song ng Pusong Ligaw na nag-pilot telecast na noong Lunes.

Nakakatuwa si Jona dahil kahit “mabiling-­mabili” siya ngayon, ­hindi pa rin nagbabago.

Never umakyat sa ulo ni Jona na sikat na siya at masyado pa rin siyang mapagkumbaba.

Kapag binibiro namin si Jona na malayo na ang narating niya at napag-iwanan na niya ‘yung mga dati niyang ­kasabayan sa Siyete, palagi lang ­niyang sinasabi na, “Hindi ­naman po!

Pare-pareho maman kaming sinusuwerte!”

***

MAGKASAMA kami ni Mond Gutierrez kahapon (Lunes sa Amerika) sa Westfield Century City sa California at nakakatuwa na habang namimili siya, pati ang twin-brother niyang si Richard Gutierrez ay ipinamimili niya.

Nang may makita ­siyang damit na sa tingin niya ay bagay kay ­Sarah Lahbati, pati sa niece ­niyang si Lorin Bektas, ­gusto rin niyang ipamili ang dalawa.

Marami raw bilin sa kanya si Richard, pero mostly, fitness stuff ang pinabibili sa kanya ng kanyang kakambal.

Katulad kasi ni Mond, panay na naman ang training sa gym ni Richard.

Bumilib kami kay Mond dahil kahit bakasyon siya sa Los Angeles, California ngayon, hindi niya nakakalimutan ang kanyang diet at exercise.

Bago kami nagkita, nagpasabi si Mond na magti-training muna siya sa gym.

Oo nga pala, habang naglalakad-lakad kami sa nasabing mall, naikuwento sa amin ni Mond na balak ­niyang mag-base na muna sa L.A.

Nang i-remind namin na hindi siya nagda-drive at mahihirapan siya to go around, meron daw iba’t ibang klase na ng car services ngayon.

Ilang mga kaibigan din niya ang based sa L.A., pero katulad niya ay hindi rin nagda-drive ang mga ito.

Meron kayang “nilulutong” proyekto sa L.A. si Mond na hindi niya ikinukuwento?

Oo nga pala, sa mga nagtataka kung bakit ­hindi nila mahanap ‘yung dating Instagram account ni Raymond Gutierrez, nagpalit na kasi siya ng account name at simpleng @mond na lang ang nasabing social media ­account niya.

Sabi ni Mond, “new life, new beginning”, kaya new IG account name na siya.

Pero kasasabi lang sa amin ni Mond na gusto niyang mag-move back sa L.A., biglang uuwi na raw siya kaagad ng ‘Pinas.

Dapat ay hanggang sa Linggo pa siya sa L.A., pero biglang Biyernes pa lang ay babalik na siya ng ‘Pinas, huh!

***

Ilang VanBie fans ang nagpadala sa amin ng private message at disma­yado sila sa tsikang bubuwagin na ang loveteam nina Ivan Dorschner at Barbie Forteza.

May balitang nakara­ting kasi sa kanila na aali­sin na sa Meant To Be si Ivan at ipapareha na ang binata sa ibang Kapuso young actress.

Marami tuloy sa VanBie fans ang naiiyak na dahil sa tsikang ­nasagap nila.

‘Yung GMA 7-insider na inusisa namin tungkol sa emote ng VanBie fans, dedma lang sa tanong namin kung totoong pag­hihiwalayin na sina Ivan at Barbie, huh!