PINUSUAN ng netizens ang ‘romansa’ nina Jon Snow at Daenerys Targaryen sa Season 7 ng Game of Thrones.

Kakaiba ang init sa kanilang unang pagtatagpo, lalo pa’t tinu­ran ni Sir Davos patungkol sa King of the North, “He took a knife in his heart for his people…”

Tumatak iyon sa Mother of Dragons, at inusisa niya ang kanang-kamay na si Tyrion kung ano ang ibig ipakahulugan ni Sir Davos sa sinabing iyon.

Pinawalang-saysay iyon ng Unano ng Cas­terly Rock.

Nang magkausap sina Jon at Daenery, i­nusisa ng Reyna ang Hari kung bakit nasabi iyon ni Sir Davos.

Ipinagwalang-bahala rin iyon ni Jon.

Matapos ang kaganapan sa Beyond The Wall kung saan napatay ng Night King si Viserion (isa sa tatlong dra­gon na itinuturing ni Daenerys bilang mga anak), nasilayan ni Daenerys ang hubad na katotohanan.

Sa sandaling iyon, ang puso ni Daenerys ay umibig nang tunay.

Ang netizens, kani-kanyang pasiklaban ng music videos sa YouTube kaugnay sa JoNaerys.

May music videos na lumampas agad sa 1M views.

Sa season finale, inaasahan ang nag­lalagablab na pagniniig ng magsing-irog.