JonChelle umaatikabo ang pakilig

abante-tonite-jon-michelle

Natikman na ang kilig sa mga sinehan dahil sa romance-drama film entitled “Dito Lang Ako” .

Ito’y handog nina Michelle Vito at Jon Lucas na gumanap sa role na Delfin at Nelia. May pinagdaanan at pagsubok ang relasyon nila sa pelikula na mabibigyan ng solu­syon.

“Siyempre lahat kami, siguro lahat ng na sa showbiz, lahat ng artista gusto maging leading man, leading lady, so finally parang, parang achieved na siya para sa akin. And, parang iba yung sa pakiramdam na oh naging leading lady na ako,” bulalas ni Michelle sa kanyang pagbibida.

“Nung nalaman ko nga po na si Michelle Vito ang makaka-partner ko, natuwa ako ng sobra kasi magkaibigan kami ni Michelle tapos inexpect ko agad na magiging­ maagaan sa set,” deklara naman ni Jon.

“Tapos magaling pa si Michelle, nakakadala,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa pelikula sina Akihiro Blanco, Boots Anson-Roa, Freddie Webb, Rey ‘PJ’ Abellana, DJ Durano, James Deakin, Garie Concepcion, Senpai Kazu at Roadfill of Moymoy Pala­boy.

Ito ay sa direksyon ni Roderick Lindayag at prodyus ng Blade Entertainment. Palabas na ang “Dito Lang AKo” ng JonChelle.

ABS-CBN nanguna nu’ng Hulyo

ABS-CBN pa rin ang nangungunang TV network sa bansa pagdating sa paghahatid ng makabuluhang balita at kuwentong puno ng aral matapos nitong magkamit ng average audience share na 44%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Namayagpag pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (42.8%) noong Hulyo, na sinundan naman ng “Your Face Sounds Familiar Kids” (32.8%).

Patok din sa top ten ang “TV Patrol” (30.7%), “Bagani” (29.3%), “MMK” (28.6%), “Wansapanataym” (25.2%), “Home Sweetie Home” (23.5%), at “Rated K” (20.4%).

Samantala, ABS-CBN din ang pinakatinutukang network sa iba’t-ibang time blocks, partikular na sa primetime, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 47%.

Panalo rin ang Kapamil­ya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 39%, sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 43% kontra at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 42%.

Aeryka mapang-akit

Naging kandidata si Aeryka Chu sa Miss Global Philippines 2018. Kinatawan siya ng Binondo, Manila.
Mapang-akit ang kanyang kagandahan.

Siya’y isang entrepreneur at culinary arts student.